ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

OFWs muling pinaalalahanan na huwag maging drug mules


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ang pag-aresto sa tatlong Pilipino sa Macau dahil sa droga, muling nanawagan ang Malacañang sa mga Pilipinong may planong mangibang bansa na huwag magpagamit bilang drug mules. Ayon kay presidential spokesman Edwin Lacierda, kasalakuyan nang tinutulungan ng gobyerno ang tatlong nasabing Pilipino. “Unang-una sinabi na natin sa kanila huwag sila papagamit as drug mules. Having said that, we will continue to provide assistance to them ang nadakip ng Chinese authorities," ani Lacierda sa panayam ng dzRB radio. Ayon sa kanya, dapat iwasan ng mga Pilipinong pasakay pa lamang ng eroplano ang mga taong humihiling na maglagay ng mga gamit sa kanilang bagahe. “We condemn this habit by syndicates to use drug mules and we urge Filipinos to be very cautious and not be used by syndicates,” aniya. Inaresto ang dalawa sa tatlong Pilipino sa Macau sa kanilang apartment, kung saan natagpuan ang 46 grams ng methamphetamine hydrochloride (shabu) na may halagang 90,000 patacas (US$11,392.405). Ang pangatlong inarestong Pilipino naman ay hinihinalang buyer. — Amanda Fernandez/KBK, GMA News

Tags: drugmules, ofws