GMA News Online Ulat Filipino » Cebu

Paslit, nasawi matapos nalunod daw sa isang baldeng may tubig

February 15, 2012 10:40pm
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang batang babae na namatay matapos umanong malunod sa isang balde na may lamang tubig sa bayan ng Carcar, Cebu.

Sa ulat ni Chona Carreon sa GMA News 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing wala ng buhay nang makita si Jane Mae Nabua, isang taong-gulang sa loob ng banyo sa kanilang bahay sa Brgy Tayum, Carcar.

Bago ang aksidente, nakita pa umano ang bata na naglalaro sa sala. Hindi raw namalayan ng mga kasama nito sa bahay na nakapunta ito sa banyo.



Natuklasan lang ang sinapit ng bata nang mapansin ng mga nakatatanda na wala sa paligid ang paslit at saka lang sila nag-umpisang maghanap.

Labis naman ang lungkot ng ina ng bata na si Margie, na walong buwang buntis.

Inalala niya ang pagiging masayahin at palangiti ng pumanaw na anak. - FRJ, GMA News
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus