GMA News Online Showbiz » Chika Minute

Richard Gutierrez, makabuluhang ipinagdiwang ang Araw ng mga Puso

February 15, 2012 11:16pm
Naging kakaiba at espesyal daw ang pagdiriwang ni Richard Gutierrez sa Araw ng mga Puso na ginawa niya sa lalawigan ng Bohol.

Sa halip na makipag-date, sinabi sa ulat ni showbiz reporter Lhar Santiago sa Chika Minute, na nakibahagi si Richard sa pamimigay ng mga bisikleta ng organisasyong Bikes For The World.

May 600 bisekleta raw ang ipinamigay ng grupo ni Richard sa mga mag-aaral sa isang pampublikong paaralan sa Baclayon, Tagbilaran sa Bohol.

Napili daw ang naturang paaralan dahil naglalakad lang umano ang mga bata rito kapag pumapasok sa eskwelahan.

Kahit walang ka-date nitong Valentine's Day, sinabi ni Richard na masaya siya dahil kasama niya ang mga bata at mga kaibigan niya. - FRJ/KG, GMA News