GMA News Online Pinoy Abroad » Kwentong Kapuso

Kwentong Kapuso: Hangaring nasimulan, napagtagumpayan

February 16, 2012 12:07am
Misang Tagalog sa Bangkok (MTB) at Mary Help of Christians Church celebrates its 2nd year anniversary this month. It’s only a plan two years ago and it becomes a reality when many Filipinos in Thailand likes to attend/hear the mass in tagalog.

Thanks to our Parish Priest Father John Tamayo. As of now, we’re more than two hundred parishioners and we're growing every month and all I can say is that we are an example of unity. Praise the Lord for He is good!!. We spread the good news by reaching out our kababayans in different parts of the country.

I wrote this poem to inspire and I want the world to know our mission. Hope you like it. Thanks and God bless us all.

HANGARING NASIMULAN, NAPAGTAGUMPAYAN
(Misang Tagalog sa Bangkok-MTB)

ni Maria Paz Samelo

Sa simula ng mga plano
Iilan pa lang ang bumubuo nito
Hangaring ibihagi ang salita ng Diyos
Upang buhay sa ibang bansa ay maayos

Unti-unting narinig at nakilala
Ang mabuting misyon ay ibinalita na
Sa mamamayan sa Thailand nagsimula
Ligaya sa puso nakamit na talaga


Kaysarap marinig ang magandang balita
Sa bibliyang binabasa sa sariling wika
Mga Pilipinong nagsisidalo sa loob ng simbahan
Kasiyahan ang nararamdaman sa isipan

Pagkakabuklod ang namamayani sa bawat isa
Paglilingkod sa kapwa… ayan na sila
Pagbububluntaryo ng tungkulin naisagawa na
Upang misang inaabangan ay ipagpatuloy pa


Sa bawat paglilingkod na ipinapakita
Pagpapatunay ng pagmamahal sa kapwa
Mga alagad ng Diyos ay dakila
Nagpapalaganap ng mabuting balita

Malayo man sa bansang sinilangan
Mga Pilipino ay nagmamahalan at nagdadamayan
Sa Misang Tagalog sa Bangkok sinimulan/natuklasan
Ang maituturing mabuting pamayanan


Pagkatapos ng isang oras na misa
Pagkaing Pinoy sa hapag ay nakahanda na
Sama-samang pinagsasaluhan ang biyaya
Upang pananampalataya kay Bathala ay lumakas pa

Nawa’y ipagpatuloy ang hangaring bayan
Dapatwat may mga pilit sumira at humadlang
Naroroon pa rin ang determinasyon at katatagan
‘Di natitinag, ‘di nawawalan ng pag-asa kailanman


Mabuhay ang mga taong nanampalataya
Na handang tumulong at maglingkod sa Kanya
Malayo man sa pamilyang minamahal
Kapiling pa rin sa pamamagitan ng MTB na maituturing na banal. -- GMA News


Ano ang kwento mo? Mga Kapuso, tuloy ang kwentuhan. Sana’y hindi kayo magsawa sa pagtangkilik sa ating pitak na ito. Habang may mga kababayan tayo sa abroad - pati ang kanilang mga kabiyak, anak, ina, ama o sinuman na kabahagi ng kanilang buhay - na nais magpaabot ng kanilang saloobin, mananatili po ang inyong Kwentong Kapuso.

Katulad ng dati, hindi kami magsasawa na basahin ang inyong mga kwento - maigsi man o mahaba. Kahit na ang laman nito ay naglalabas ng sama ng loob, nagbibigay ng inspirasyon, gustong magpayo, magsumbong, magpatawa o kahit nagpapalipas lang ng oras.

Kaya hihintayin namin ang inyong mga email na maaari ninyo itong ipadala sa Pinoyabroad@gmanews.tv Sa inyo mga kababayan namin saan mang dako sa mundo, kami po'y saludo sa inyo. Kaya ilabas ang iyong saloobin, ikuwento mo Kapuso!