ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang lugar sa Davao Sur, binaha bunga ng malakas na pag-ulan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dahil sa walang tigil na pag-ulan nitong nakaraang mga araw, nalubog sa baha ang ilang lugar sa Davao del Sur, partikular sa bayan ng Sta. Maria. Sa ulat ng GMA primetime news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing matinding naapektuhan ng baha ang mga barangay sa Sta Maria na San Isidro, San Antonio, San Roque, Pongpo at Buca. Umapaw din ang Buca River at kinain nito ang malaking bahagi ng katabing kalsada. Nagkaroon din ng malalaki at malalim na lubak sa mga kalsada na nagpahirap naman sa mga motorista, gaya ng mga magdadala ng produkto. Ilang lugar din sa lalawigan ang nawalan ng suplay ng kuryente at mayroon pang eskwelahan na nawasak. Bagaman walang nasawi o nasaktan sa naganap na malakas na pag-ulan, malaking pinsala naman ang iniwan nito sa empraestruktura, ayon sa lokal na panlalawigan. Nagbabala naman ang lokal na pamahalaan sa mga residente na mag-ingat at maghanda pa sa patuloy na pagbaha. -- FRJ, GMA News