ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ngayong Huwebes sa Rescue: Kahit sino, pwedeng tumulong! 


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Ngayong huwebes sa Rescue!
Airing date: February 23, 2012
 
Kahit sino, puwedeng tumulong.  
Sa Rescue naniniwala kami na kahit sino, pwedeng tumulong. Patunay ang ilang mga taong nakilala ng Rescue na kusang loob na tumulong sa mga taong higit nan nangangailangan nito.
 
Isa na rito ang istorya ni Loloy, dalawampu’t pitong gulang na may Down Syndrome. Ayon sa isang saksi, bigla na lang siyang sumakay ng bus at hindi na nakabalik sa kanilang tahanan. Masuwerte namang natagpuan siya ng isang tricycle driver na nagmagandang loob na dalhin siya sa barangay para matunton ang kaniyang pamilya.
 
Noong nakaraang buwan sa Pista ng Sto. Niño sa Tondo, isang lasing naman ang nasagasaan ng trailer truck sa Road 10. Mabuti na lang, isang concerned citizen ang napadaan at hindi lang basta naki-usyoso. Nagkusa siyang dalhin sa ospital ang biktima at hindi iniwan hangga’t hindi maayos ang kanyang lagay.
 
Abot langit din ang pasasalamat ng isang biktima ng motorcycle accident sa Bulacan. Isang staff kasi ng barangay ang napadaan sa pinangyarihan ng aksidente at kahit off duty, hindi siya nag-atubiling humingi ng tulong para mailigtas mula sa peligro ang biktima. Naging inspirasyon niya raw ang anak niyana nagmamaneho rin ng motorsiklo na nanaisin niya ring may tumulong sakaling maipit sa peligro.
 
Ang mga tumulong at natulungan, pagtatagpuin ng Rescue ngayong huwebes. Samahan si Arnold Clavio sa saksihan ang kabayanihan ng mga ordinaryong tao na nais tumulong.
Tags: plug