ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Protesta, di raw dapat gawin sa 2012 Panagbenga Grand Parade


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

“Gawin sa tamang paraan at tamang lugar." Ito ang mensaheng ipinaabot ng pamunuan ng Baguio Flower Festival Foundation Incorporated o BFFFI sa mga nagbabalak na gawing advocacy parade ang Grand Street Dancing at Grand Float Parade ng Panagbenga Festival. Ang panawagan ay ginawa bunga ng mga impormasyon na posibleng may grupo na magsamanta sa highlight events ng Panagbenga para ilahad ang hinaing ng mga taga-Baguio City. Partikular dito ang mga pagkontra sa planong expansion ng isang malaking mall sa lungsod at pagpuputol ng halos dalawang daang puno. “It doesn’t mean that if we are not for you, we are against you. We are talking about propriety here. Ano ba ang pinag-uusapan dito, grand street dancing and float parade. They will dance by all means," paliwanag ni Executive Committee, BFFI Chairman Anthony De Leon. Kinikilala umano ng Baguio Flower Festival Foundation ang kanya-kanyang adbokasiya o paniniwalang ipinaglalaban ng mga taga-Baguio. Pero hindi naman daw magandang gawin ito sa mismong parada, tulad ng bali-balitang babatuhin ang float ng naturang mall. “We can always express our advocacy in proper manner, in proper venue and place. Cruelty or whatever you wish to do is inappropriate and immature," dagdag pa ni De Leon. Pinaalalahanan din ng pamunuan ng BFFI na mahigpit na ipapatupad ang mga patakaran sa Panagbenga Festival. Magaganap na sa darating na Sabado at Linggo ang inaabangang grand street dancing at float parade sa Baguio City. “If some contingent or group will violate the rules of parade in Panagbenga 2012, then as we said, sorry na lang, we have to eject them in any part of the event," pagtatapos ni de Leon. – ASTulagan/GLCalicdan/FRJ, GMA News