ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagbaril sa isang opisyal ng HLURB sa Davao City, nakunan sa CCTV camera


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakunan sa close-circuit television (CCTV) camera ang pagbaril umano sa opisyal ng Housing and Land Use Regulatory Board (NLURB) sa Region 11 na naganap sa Davao City nitong Linggo. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes, sinabing nasugatan sa naturang insidente ng pamamaril si Atty Miguel Palma Gil. Samantala, pinaghahanap naman ang inaakusahang bumaril kay Palma Gil na nakilala raw sa CCTV na si Allan Bigcas. Si Bigcas ay nasangkot noong 2011 sa isyu ng smuggling sa America. Tinutugis na siya ng pulisya at maaaring kaharapin nito ang kasong frustrated murder. Sa bahagi ng naturang video ng CCTV, nakita ang isang lalaki na may hawak ng baril na lumapit sa isang pick-up truck kung saan nakasakay din ang isa pang babae na sinasabing si Atty Aimee Salisi Torrefranca. Naganap ang pamamaril sa Mabini corner Torres Streets sa Davao City. Ayon kay Police Sr. Supt Ronald Dela Rosa, selos ang ugat ng pamamaril dahil dating karelasyon umano ni Palma Gil si Torrefranca, na abogado ngayon ni Bicgas. - FRJ, GMA News