GMA News Online Ulat Filipino » Balitang Pinoy

Kapakanan ng journalists 'di pinapabayaan ng Aquino admin — Lacierda

February 22, 2012 6:48pm
Hindi umano nagpapabaya ang pamahalaan sa pagbibigay proteksyon sa mga mamamahayag sa kabila ng ulat ng isang New York-based media watchdog na ang Pilipinas ang ikalawang pinakapanganib na lugar sa buong mundo para sa mga mamamahayag.

“We do not sleep [on our duty to protect] journalists especially after the Maguindanao massacre. This is something that we are fully conscious of,” ani presidential spokesperson Edwin Lacierda sa isang press briefing nitong Miyerkules.

Umabot sa 32 journalists ang kabilang sa mahigit 50 na pinatay sa Maguindanao noong Nob. 23, 2009. Ibinibintang ang krimen sa makapangyarihang Ampatuan family.

Ayon sa ulat ng Committee to Protect Journalists (CPJ) sa kanilang website, umaabot sa 72 mamamahayag ang napatay sa Pilipinas mula pa noong 1992.

Sa kabilang banda, inihayag naman ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na umaabot na sa 150 Pilipinong mamamahayag ang pinatay mula nang maibalik ang demokrasya sa bansa noong 1986.

Ayon kay Nestor Burgos, NUJP chairman, sa mga kasong ito, 10 lamang ang naresolba.

Nang tanungin tungkol sa ulat ng CPJ, tumangging magkomento si Lacierda sa mga kasong naganap bago nagsimula ang termino ni Pangulong Benigno Aquino III.

“Ang layo naman. We’re not going to comment from 1992. I can only speak under this administration. What we’ve always said and the President has always said [is] that we frown on extralegal killings,” aniya.

Aniya, agad namang gumagalaw ang gobyerno kapag makatatanggap ng ulat sa pagpatay sa isang mamamahayag.

“Once there’s a reported killing, we immediately investigate and we immediately try to determine the motivation for the killing and, more often than not, there are always local business concerns or local politics involved,” aniya.

“But once we are able to identify them, we file the necessary charges against those perpetrators,” dagdag pa niya. - Amanda Fernandez/KBK, GMA News
We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus