ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking nagpaalam na magpapa-‘load,’ tumalon daw sa dagat mula sa bumibiyaheng barko


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 25-anyos na lalaki na nagpaalam sa kanyang lola na mapapa-“load" ang sinasabing tumalon sa dagat mula sa sinasakyan nitong barko habang bumibiyahe patungong Cebu. Iniulat sa Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Miyerkules, na naantala ang pagdating ng MV Saint Joseph The Worker sa Pier 6 ng Cebu City mula sa Maynila, dahil sa ginawang paghanap sa mga labi ni Marvin Andales. Ayon sa lola ng biktima na kasama niya sa barko, nagpaalam lang daw ang kanyang apo na magpapa-load ng cellphone. Kaya laking gulat niya nang malamang tumalon daw ito sa barko. Sinubukan pa umano ng mga tripolante na iligtas si Andales pero hindi kaagad siya nakita. Sa punenarya sa Cebu, sinabi ng ina ng biktima na si Aling Helen, na noong Disyembre lang nagtungo sa Maynila ang kanyang anak para maghanap ng trabaho. Wala naman daw nasasabing problema sa kanya ang anak at biglaan ang ginawa nitong pag-uwi sa Cebu. Nakausap na umano ni Gng Andales ang kumpanya ng barko at sinabing tumalon talaga sa barko ang biktima. Isasailalim pa rin sa awtopsiya ang mga labi ng nakababatang Andales. -- FRJ, GMA News

Tags: cebu, suicide