GMA News Online
Ulat Filipino
»
Ilocos

Guling-guling festival, masayang idinaos sa Paoay, Ilocos Norte

February 23, 2012 6:19pm

Pinatingkad ng mga makukulay na telang tinatawag na Abel-Iloko ang mga sumali sa Dance Parade kaugnay ng pagdiriwang ng Guling-Guling Festival sa Paoay, Ilocos Norte.

Hango ang salitang guling-guling sa lokal na salitang “guling" sa Iloko o ang naiibang tradisyon ng bayan sa paglalagay ng markang krus sa noo gamit ang puting harina.

Bawat barangay, kanya-kanyang konsepto sa kanilang pagsasayaw sa saliw ng tunog ng kumintang.

Dahil sa dami ng sumali, inabot nang gabi ang dance parade na sinundan naman ng Dance Showdown sa harap mismo ng makasaysayang Paoay Church.

Ipinagdiriwang ang naturang kapistahan tuwing Martes isang araw bago ang Ash Wednesday bilang pagsasaya bago magsimula ang 40 araw ng pag-aayuno sa panahon ng Semana Santa. – DGAlipio/GPLegaspi/GLCalicdan/FRJ, GMA News
Go to comments