We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inirekomenda ng Department of Social Welfare and Development ang pag-amyenda sa 11-taong-gulang na Republic Act 8972, o ang Solo Parents' Welfare Act of 2000, upang mas makatutulong sa single parents. Inihain ni DSWD Secretary Corazon Soliman ang rekomendasyon kay Rep. Emilio Abaya, chair ng House of Representatives appropriations committee. "Since solo parents are part of the disadvantaged sector that DSWD serves and protects, it is also our responsibility to support legislative measures, which will help improve their lives," ani Soliman. Ayon kay Soliman, buo ang suporta ng DSWD sa maamyendahan ang batas para maibsan ang pinansyal na problema ng solo parents na mag-isang nagpapalaki ng mga anak. Kabilang sa ipinapanukalang pagbabago ng DSWD ay:
- mula sa isang taong waiting period, magiging anim na buwan na lamang ang paghihintay bago makuha ang mga benepisyo na ibinibigay sa solo parents - pagdaragdag ng probisyon na maglilinaw sa kategorya ng solo parents, na nagpapakita kung siya ay ang legal guardian, adoptive parent, o licensed foster family - pagdaragdag ng probisyon sa pagbibigay ng ID sa solo parents upang mabigyan ng benepisyo
Sa ilalim ng RA 8972, ang sinumang iniwan ng kanyang asawa ay kinakailangang maghintay ng isang taon bago mabigyan ng solo parents identification card. Ayon sa DSWD, dahil dito, hindi agad na makakakuha ang solo parents ng beneipisyo tulad ng seven days' parental leave at comprehensive psycho-social services na ibinibigay ng DSWD at iba pang mga ahensya. Inirekomenda rin ng DSWD ang pagbibigay ng penalties sa mga lalabag sa batas. Ayon sa DSWD, mula sa pagsasaliksik ng Department of Health (DOH) at University of the Philippines National Institute of Health (UP-NIH), umaabot ng 14-15 percent sa tinatayang 94 milyong Pilipino ay solo parents. Aniya, tinatayang 13.9 milyon ang bilang ng mga solo parents sa bansa. “The changing times and the growing number of single parent – households call for a more wholistic and substantial help from the government," ani Soliman. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News