Palasyo may pag-aalinlangan din sa bagong SALN form
May pag-aalinlangan ang Malacañang sa bagong form para sa Statement of Assets Liabilities and Net Worth (SALN) na kinakailangang sagutan at isumite ng government officials at employees bago matapos ang Abril.
Giit ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte sa isang radio interview nitong Linggo, wala sa lumang SALN form ang problema kundi nasa government officials at employees na nagsusumite nito.
“Siguro in the past we’ve seen in our experience, hindi ang form ang problema, ang nagfi-fill out ang nagiging problema pagdating sa SALN,” ani Valte sa dzRB radio.
Batay sa Section 17, Article XI, ng Saligang Batas, ang bawat government official o employee ay nararapat na magsumite ng kanyang SALN bawat taon.
Ayon kay Valte, may ilang government employees na ang nasibak sa puwesto dahil sa hindi tapat na pagsagot sa kanilang SALN form.
Karadagang pag-aaral
Nangako naman ang Palasyo na kanilang "pag-aaralan" ang bagong SALN form, kabilang na ang umano'y ilang objectionable portions.
“Kailangan pag-aralan natin... Tingnan natin ang requirements,” ani Valte.
Magugunitang naghain ng resolusyon si Senator Aquilino "Koko" Pimentel III para tignan kung naaayos sa batas ang mga pagbabago sa SALN form.
Ang Civil Service Commission ang government body ang nangangalaga sa mga isinumiteng SALN ng government officials at employees.
Kamakailan, naging malaking isyu ang SALN dahil naging sentro ito ng impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona sa Senado.
Koko: Panibagong SALN form, masydong komplikado
Ayon kay Pimentel, masyadong kumplikado ang bagong SALN form lalo na para sa mga ordinaryong public employee dahil karamihan sa kanila ay walang kakayahang kumuha ng serbisyo ng abugado o accountant na tutulong para masagot ito.
"Such a complex form might lead to useless or unjustified complaints for violation of the law requiring the filing of the SALN, which could be the product of inadvertence, confusion, or honest mistake or misapprehension of difficult legal concepts," aniya.
Inaprubahan ng CSC ang paggamit sa panibagong form simula noong taong 2011. Ang deadline sa pagsusumite ng SALN sa bagong form ay sa darating na Abril 30, 2012.
Kabilang sa panibagong form ay ang deklarasyon sa “personal and family expenditures,” “amount of taxes paid,” at “amount and sources of gross income,” na idinagdag mula sa lumang SALN.
Hinihiling din sa panibagong SALN ang pagdedetalye ng ilang properties tulad na lamang kung ito ay paraphernal, conjugal o community property.
Kinakailangan din nitong matukoy kung alin sa kanilang personal property at iba pang assets ay “tangible” at “intangible.” – Amanda Fernandez/KBK, GMA News

We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement