GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Iglesia ni Cristo members magtitipon-tipon ngayong Martes

February 27, 2012 7:58pm
Nakatakdang dumagsa ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo sa "Bible Exposition" na gaganapin sa Metro Manila at 18 iba pang lugar sa bansa ngayong Martes.

Ayon kay Bienvenido Santiago, INC spokesperson, pamumunuan ni Executive Minister Brother Eduardo Manalo ang “simultaneous grand evangelical mission” na ito bilang bahagi ng kanilang kampanya para ikalat ang salita ng Diyos.

“This religious activity is one of the means by which the Church propagates the teachings of God in the Bible that members of the Iglesia Ni Cristo believe to be essential for man’s salvation,” ani Santiago.

Pro-Corona rally?

Samantala, mayroon mga lumalabas na ispekulasyon mula sa ilang sektor na isasagawa umano ang pagtitipon upang maipakita ang pwersa ng mga tagasuporta ni impeached Chief Justice Renato Corona.

Ang retired justice na si Serafin Cuevas, na miyembro ng Iglesia ni Cristo, ang lead defense counsel ni Corona sa kanyang impeachment trial sa Senado.

'Show of force'

Pero ayon kay Ramon Casiple, executive director ng Institute For Political and Electoral Reform, maaaring ituring na "show of force" ang pagtitipon ng Iglesia ni Cristo.

Sa panayam ng GMA News Online, sinabi ni Casiple na maaaring paraan ito ni Manalo para ipakita sa mga tao ang kanyang "political influence" sa kabila ng pagbaba ng kanilang command vote noong 2010 elections.

Maliban dito, ayon kay Casiple, maaari ring manawagan ang grupo kay Pangulong Benigno Aquino III. "[Baka] may mga gusto silang hindi nila nakukuha," aniya.

Sa kabila nito, naniniwala si Casiple na hindi tataliwas ang grupo kay Aquino.

"It is disastrous, I think, na humiwalay or maging antagonistic sa any incumbent president. They have always worked with incumbent president. This President is very popular, and they cannot afford to antagonize him," aniya.

Dadalo ang mga miyembro ng INC mula sa 4,272 congregations sa pagtitipon na magaganap sa Quirino Grandstand, Rizal Park sa Manila. Maliban dito, magkakaroon din ng pagtitipon sa iba't ibang bahagi ng bansa:

  • Isabela Sports Complex, Isabela
  • Jose V. Yap Sports and Recreational Complex, San Jose, Tarlac
  • Gloria Town Plaza, Oriental Mindoro
  • Pili Freedom Sports Complex, Pili, Camarines Sur
  • La Union National High School Sports Complex, San Fernando City, La Union
  • Paglaum Sports Complex, Bacolod City
  • Cebu City Fuente Osmeña
  • Tacloban City Convention Center
  • Pagadian City Gym, Zamboanga del Sur
  • Limketkai Center, Cagayan de Oro City
  • Davao Agro-Football Stadium, Davao City
  • Gen. Santos City Gym
  • La Paz Plaza, Iloilo
  • Butuan City Sports Complex
  • Odiongan Sports Complex, Odiongan, Romblon
  • Puerto Princesa Coliseum, Palawan
  • Coron Gym, Palawan
  • Sta. Cruz Plaza, Sta. Cruz, Marinduque
 
— KBK, GMA News
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement
advertisement
advertisement