ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Pia Guanio, may isinakripisyong paboritong inumin para sa kanyang ipinagbubuntis


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Happy at blooming ang Chika Minute host na si Pia Guanio ngayong 12-weeks na ang baby sa kanyang sinapupunan. Pero ano kaya ang sinasabing paborito niyang inumin na isinakripisyo niya para sa kanyang magiging baby? Sa panayam ni showbiz reporter Cata Tibayan, sinabi ni Pia na patuloy pa niyang nagagawa ang kanyang active at healthy lifestyle gaya ng pag-exercise kahit magti-three months na siyang buntis sa first baby nila ng kanyang mister na si Steve Mago. Masuwerte raw siya na may pagka-modern ang kanyang duktor at pinapayagan siyang gawin pa ang mga dati niyang ginagawa. Kaya naman daw nakapagsu-swimming pa si Pia tuwing umaga at three times a week nagpupunta sa gym. Mahalaga rin daw sa mga magiging mommy ang self-esteem kaya dapat manatiling maganda. Nagsusuot pa rin si Pia ng high heels dahil hindi pa naman daw siya pinagbabawalan. Pero may mahigpit na bilin ni Pia. “No matter what you do, if you’re in hills or whatever just make sure na ‘wag kang mahuhulog," payo ng Kapuso host. Sa ngayon, mahilig daw si Pia sa mga maaasim na pagkain gaya ng mangga. Pag-amin pa ni Pia, malaking sakripisyo sa kanya ang pagtigil sa pag-inom ng kape dahil sa bilin sa kanya na caffeine free diet. - FRJimenez, GMA News

Tags: piaguanio