ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 katao patay, 7 pa sugatan: Van nahulog sa bangin sa Benguet


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawa katao ang nasawi, habang pitong iba pa ang nasugatan nang mahulog sa bangin ang isang pampasaherong van sa Atok, Benguet nitong Huwebes ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na sina Cynthia Donato at Felimon Awayan. Dinala naman sa pagamutan ang mga sugatan, kabilang ang drayber ng van na si Crisanto Kiblasen. Sa paunang ulat ng pulisya, sinabing naganap ang aksidente sa Sitio Topdac, Syangan sa Atok. Karamihan umano sa mga pasahero ay tulog nang mangyari ang aksidente. Hindi pa umano makausap sa ospital si Kiblasen kaya nahihirapan ang mga imbestigador na malaman kung ano ang dahilan kung bakit nahulog sa bangin ang van. Ayon kay Police Supt Benjamin Lusad, director ng Benguet police, hindi pa naiaahon ang van sa bangin na pinaghulugan nito na may lalim na 100 hanggang 150 metro. Ilan naman sa mga biktima ay hindi maalala ang nangyari o nasa stage of shock kaya hindi pa makunan ng pahayag. Nagpaaabot naman ng tulong ang provincial government sa kaanak ng mga biktima. “Siguro kailangan iparemind sa mga driver na ang kanilang sakay ay mga taong may buhay, hindi repolyo ang karga nila," ayon kay Gov. Nestor Fongwan. -- ATulagan/GCalicdan/FRJ, GMA News