Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Indonesian Immigration officer confirms visit of actor Taylor Kitsch to their country

March 7, 2012 3:29pm
Tinupad ni Indonesian Immigration office spokeperson Maryoto Sumadi ang kanyang pangako na paiimbestigahan ang insidente na ikinuwento ng Canadian actor na si Taylor Kitsch sa guest appearance nito sa late-night show ni David Letterman noong nakaraang linggo.

Sinabi ni Sumadi sa Jakarta Globe, isang English broadsheet sa Indonesia, na aalamin niya ang katotohanan tungkol sa claim ni Kitsch na hiningan ito ng iPhone ng isang corrupt airport customs official.

"If an officer of ours abuses his authority and taints the image of the organization especially, we will surely take action against him, in accordance to the existing regulation," pahayag ni Sumadi sa Jakarta Globe.

Naging malaking isyu ang personal experience ni Taylor sa airport dahil nadamay ang Pilipinas sa kanyang kuwento na naging dahilan para mag-demand ng apology ang Malacañang mula sa aktor.

Ito ay sa kabila ng kanilang pag-uusap, ang talk show host at hindi si Taylor ang nagbanggit sa pangalan ng ating bansa.

Kaugnay ng interview ni Letterman kay Taylor, mabilis na gumawa ng imbestigasyon si Bureau of Customs Commissioner Ruffy Biazon.

Napag-alaman na walang record na dumalaw sa ating bansa si Taylor.

Sa Indonesia nagpunta ang Hollywood star para sa shooting ng Savages, ang pelikula nila nina John Travolta, Salma Hayek, at Uma Thurman na idinidirek ni Oliver Stone.

Dahil sa pag-alma ni Biazon, mabilis na nakarating sa Indonesia ang balita.

At nitong Martesnga, March 6, kinumpirma ni Sumadi ang pagdating ni Taylor sa kanilang bansa noong February 1, 2012 para sa six-day filming ng Savages sa Moyo Island, West Nusa Tenggara.

Sa panayam ng Jakarta Globe, ikinuwento ni Sumadi na dumating si Taylor sa Ngurah Rai International Airport.

Nagpadala na rin daw siya ng mga tao mula sa central office ng Immigration para imbestigahan ang report na nakarating sa kanila tungkol sa panghihingi ng cell phone unit ng isang customs official sa lead actor ng pelikulang John Carter. -- Jojo Gabinete, PEP



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus