GMA News Online
Showbiz

American Idol update: Jessica Sanchez is safe, but not Jeremy Rosado

March 9, 2012 4:22pm

Gaya ng inaasahan, nakalusot sa elimination round ng American Idol Season 11 ang 16-anyos na Filipino-Mexican singer na si Jessica Sanchez.

Matatandaan na umani ng papuri sa mga Idol judge na sina Jennifer Lopez, Steve Tyler at Randy Jackson, ang ginawang pag-awit ni Jessica ng "I Will Always Love You" ni Whitney Houston, sa nakaraang episode ng sikat na singing contest sa US.

"Jessica... you may be the one. You just made 40 million people cry," pagpuri ni Steven kay Jessica.


(Uploaded to YouTube by IdolxMuzik)

Bago matapos ang nakaraang episode, nagkakaisa ang tatlong Idol judges na si Jessica ang pinakamalakas na kalahok nang sandaling iyon.

Sa elimination round ng Top 13 Idols, na ipinalabas sa Pilipinas nitong Biyernes (Huwebes sa US), lumitaw na sina Elise Testone at ang wild card pick na si Jeremy Rosado ang nakakuha ng pinakamababang boto mula sa viewers.

Gayunman, nagdesisyon ang Idol judges na bigyan ng isa pang pagkakataon si Elise at tuluyang inilaglag si Jeremy na sinasabing paborito ni Jennifer Lopez. -- FRJ, GMA News




advertisement
advertisement
advertisement