ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pinay at dalawang dayuhan, inaresto ng PDEA sa drug trafficking
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Inaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Linggo ang isang Nigerian at isang Filipino, na kapwa umano'y kasabwat ng isang Uganda national na nauna nang inaresto sa kanyang pag-smuggle ng mahigit dalawang kilo ng shabu sa Pilipinas, ayon sa ulat ng PDEA.
Ayon kay ulat ng PDEA, kinilala ni Undersecretary Jose S. Gutierrez Jr., PDEA director general, sina David Irole, 36-taong-gulang Nigerian national, at Mary Jo Miravalles, 28-taong-gulang Filipina, na umano'y kasabwat ni Josephine Balikuddembe, Ugandan national, sa pagpasok ng droga sa bansa.
Nauna nang inaresto ng NAIA Drug Interdiction, na kinabibilangan ng PDEA, Bureau of Customs (BoC), Bureau of Immigration (BI), at Manila International Airport Authority (MIAA), si Balikuddembe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ilang oras lamang bago arestuhin sina Irole at Miravalles.
Dinakip ng mga opisyal sina Irole at Miravalles matapos magsagawa ng follow-up operation ang PDEA Special Enforcement Service (PDEA-SES), sa ilalim ni Jeoffrey Tacio, sa isang hotel sa Ayala Alabang.
Kinilala ng PDEA si Miravelles, residente ng Javalera General Trias sa Cavite, bilang asawa ng isang Nigerian national na si Bob Douglas, na kasalakuyang nakapiit sa Cavite Provincial Jail matapos ma-aresto noong Pebrero 22, 2011 sa kasong drug trafficking.
“We are considering the possibility that Irole, Douglas and Miravalles are involved in the local recruitment of Filipino drug couriers. Efforts are also on-going to determine if this group is responsible for the arrest of Filipino drug couriers now languishing in jails abroad,” ani Gutierrez. Kanyang tinutukoy ang mga kaso drug trafficking na kasalakuyang hinaharap ng 700 Filipinos na nakapiit sa ibang bansa.
Ayon kay Gutierrez, naging malaking tulong ang matibay na relasyon ng PDEA sa mga foreign counterpart nito sa kanilang tagumpay sa pagtugis ng may-sala.
Lumalayon ang NAIA Drug Interdiction Task Group na matigil ang paglabas at pagpasok ng ilegal na droga sa bansa, aniya.
“PDEA received information from our counterparts that a shipment of shabu is on its way to the Philippines. Immediately, my men coordinated with the BoC, BI and MIAA to intercept the package,” aniya.
Samantala, arestado naman noong Pebrero 24, 2012 ang isang Uganda national at ang kanyang kasabwat na Nigerian at Filipino, at pati na rin ang isang Kenyan national sa NAIA dahil sa drug trafficking. Arestado rin ang kanilang Indonesian partner matapos magsagawa ng follow-up operation. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular