ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Batang lalaki, nasawi nang maipit sa bumaliktad na bus sa Pangasinan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang pitong-taong-gulang na batang lalaki ang nasawi, habang 14 na iba pang pasahero ang nasaktan nang mawalan ng preno at bumaliktad ang isang pampasaherong bus sa Sual, Pangasinan nitong Martes ng umaga. Inabutan pa ng GMA News team ang ginagawang pagsagip sa mga pasahero ng bumaliktad na bus na minameho ni Cristobal Ibasan. Naging pahirapan na maalis sa pagkakaipit sa bintana ng bus si John Christian Macasieb, 7-anyos. Kinailangan pang iangat ang natumbang bus sa pamamagitan ng kahoy para mahatak ang bata. Ngunit dahil sa matinding pinsala na inabot ng kanyang katawan, pumanaw si Macasieb. “Nabigla ako madam, kaya tumalon na ako sa pintuan. Ako ang unang tumalon..." kwento sa GMA News ni Elvira Espiritu, nakaligtas na pasahero. “Hindi ko na po naramdaman ang nangyari, basta ini-aangat ko ang preno pero natanggal na po ‘yong preno..." ayon naman sa drayber ng bus na si Ibasan. Sa tala ng pulisya, aabot sa 14 na pasahero ang nasaktan na isinugod sa pagamutan. Hinihinala ni PO2 Michael Dizon, ng Sual police station, na posibleng hindi nasusuri ang naturang bus na may kalumaan na. Aksidente sa Mangaldan Samantala, hindi na umabot ng buhay sa ospital si Alvin Barrozo, 23- anyos, residente ng Barangay Nibaliw, sa bayan ng Mangaldan. Minamaneho ni Barrozo ang kanyang motorsiklo nang mawalan ito ng kontrola at bumangga sa isang pedicab at truck sa Brgy Guiguilonen ng nabanggit na bayan. Kwento ng pedicab driver, mabilis ang takbo ng motorsiklo at nabanggit ang kanyang pedicab bago sumalpok sa trak. Sa kabila nit, inihahanda pa rin ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa drayber ng trak na si Esteban Erese. -- JPonsoy/WSy/FRJ, GMA News