Jeepney drivers, binalaan ng LTFRB vs overcharging
Matapos makatanggap ng ilang reklamo sa unang araw ng pagpapatupad ng 50-centavo provinsial fare hike, binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board nitong Miyerkules ang mga jeepney driver laban sa "overcharging." Ayon sa LTFRB, mayroong karampatang parusa ang pang-aabuso sa provisional fare hike. "May panakanaka na complaints (sa fare hike), it's just a matter of information dissemination," ani LTFRB spokesperson Sonia del Mundo sa dzBB radio. Pinayuhan din niya ang jeepney drivers na ipaskil sa kanilang mga sasakyan ang bagong fare adjustment. Sa kabila nito, aminado si Del Mundo na dahil sa kakulangan ng 25-centavo coins, nagkaroon ng problema sa panunukli ang mga driver. "'Yan lang ang problema," aniya. Samantala, iginiit niya na patuloy pa rin ang pagtanggap ng mga mag-aaral at senior citizens ng 20-percent discount sa kanilang singil. Kinakailangan na lamang nilang magbayad ng "P8.50 less 20 percent." Unang araw Sa hiwalay na ulat ng dzBB, inihayag ni LTFRB board member Manuel Iway na karamihan sa mga reklamong kanilang natanggap sa unang araw ng pagpatutupad fare hike ay kaugnay sa panunukli. Ayon kay Iway, inireklamo rin ang hindi paglagay ng ilang jeep drivers ng notice sa pagtaas ng singil sa loob ng kanilang jeepney. Sa mga lalabag ng overcharging, kinakailangang sagutin ang mga sumusunod: