Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Grace Lee on tirades against President Aquino

March 21, 2012 7:08pm
PEP Exclusive: Ipinahayag ni Grace Lee ang kanyang suporta sa collaborative social enterprise ng WaterHope at ng Center for Community Transformation (CCT).

Adhikain kasi ng dalawang organisasyon na ito na tulungan ang mga komunidad na umahon sa hirap, sa pamamagitan ng mga rehabilitation centers na kanilang itinatayo.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Grace nitong Miyerkules ng hapon, Marso 21, sa Kaibigan Community Center, sa Pasay City.

Dito'y nabanggit niya sa amin ang MAD for Music concert na magaganap sa March 29, sa Smart-Araneta Coliseum. Ito ay inorganisa ng Ateneo Law School batch '88.

Ayon kay Grace, "I'm going to be hosting it.

"So, we're going to have these singers, we're going to showcase their talents, we're going to have cool songs that will be sung on stage.

"So, we're going to have many, many artists—like Pops Fernandez, we're gonna have Basil Valdez, Ms. Kuh Ladesma, her daughter as well, Isabella... we're gonna have Billy Crawford.

"We're going to have this bunch of talented people supporting the cause of Water Hope.

"Its gonna be a fun event, lalo na alam naman natin na ang bibilhin nating tickets will be used for good cause to, again, supply clean water to our brother and sisters.

"Lalo na very timely dahil March 22 is Water World Day, so very timely talaga itong Water Hope event natin with Ateneo."

NEW RADIO SHOW. Samantala, napag-usapan din ang tungkol sa kanyang magiging bagong radio show sa Magic 89.9.

Matatandaan na noong unang linggo ng Marso ay iniwan na ni Grace ang radio show na Good Times, kunsaan naging co-host siya ni Mo Twister ng apat na taon.

Inamin ni Grace sa PEP na hindi naging madali ang pag-alis niya sa naturang radio show.

"Ilang taon ko nang pinag-isipan [na mag-resign] hindi ko magawa-gawa, and then finally I was able to do it.

"Siyempre mahirap, it's leaving the life you lived for four years.

"But you know, I'm so thankful to Magic because they're all there for me, every single DJ sa Magic.

"Thank you so much guys, I love you!

"Lahat talaga ng DJ sa Magic, tinulungan ako to get past all the problems that I faced, directly or indirectly, between Magic and my show before, sa morning show.

"And to the management, nagpapasalamat din ako dahil they trust me enough to give me a show."

Inaasahan daw ni Grace na itong buwan ilu-launch ang bagong show na kanyang ihu-host, bagamat kanila pa ring pinaplano ang magiging format nito.

Gayunman, gusto sana ng radio at TV host na maging "women-oriented" ang kanyang magiging programa sa radyo.

"Well, definitely because I'm spearheading the show, I want it to be more women-conscious and more women-oriented ang show namin.

"Kasi 'yong show namin tuwing umaga at sa gabi, very male-oriented, di ba?

"So for a change naman, di ba, I think it'll be nice to have a female-oriented show.

"But ayaw ko rin naman na puro women, na puro babae lang ang makikinig sa show namin.

"So, we're going to have a little of twist to that. That's what we're studying right now."

ON PNOY. Hindi na rin nakaiwas si Grace sa mga tanong ng PEP na konektado kay President Noynoy Aquino, lalo na't nahaharap ang Pangulo sa sunud-sunod na isyu.

Sa ganitong mga pagkakataon, paano kaya sinusuportahan ni Grace ang Pangulo?

"Well, there's a lot of great people around him," nakangiting sagot ni Grace.

"He has a very strong stance of what he needs to do for the country.

"His love for his country puts my love for this country to shame.

"So, all I can do is listen if he wants to tell me something, if he has problems that he wants to share, if there are certain incidents na gusto niyang ipahiwatig sa akin.

"I'm there to listen, and I think that's one of the bigger things that I can do for him...

"And no matter what problems he's facing, kakayanin niya 'yon dahil mahal na mahal niya ang Pilipinas at ang mga tao." -- Joyce Jimenez, PEP