ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Miriam may babala vs gumagawa ng surveys tungkol sa Corona trial


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Binalaan ni Sen. Miriam Defensor-Santiago nitong Lunes ang survey firms at media laban sa pagsasagawa at paglalathala ng surveys na may kaugnayan sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona. Ayon sa senator, maaaring ma-cite for contempt ang sinumang gumagawa at naglalathala ng mga survey na ito. "If they continue [with these surveys] para bang sabi nila sa akin balewala naman ‘yung pinagsasasabi mo, you’re only one of the 23 [senators]. Kung ganun ang attitude nila, I will be compelled dahil sa ilalim ng ating rules of court, the court itself can motu propio, meaning on its own initiative, file a petition for indirect contempt,” ani Santiago sa mga mamamahayag. "Don’t push the envelope too far because I might react dahil sa akin, this is really sacrilege," dagdag niya. Nauna nang naglabas ang polling firm Pulse Asia ng survey na nagpapakita na 47 percent ng kanilang respondents ang naniniwalang guilty si Corona sa mga kasong kinakaharap niya. Ayon kay Santiago, ang mga survey na ito ay "very destructive" sa judicial process sapagkat ang judicial branch ay dapat independent mula sa opinyon ng publiko. "That is why you have that image of the blindfolded lady of justice. We don’t see or hear or say anything except the law," aniya. Sinabi rin ni Santiago na maaaring ma-cite for contempt ang media sa pagpapalabas nito ng kahit anong puwedeng makaimpluwensiya sa opinyon ng isang judge.   "The media do not have the authority under any law whatsoever or under any semblance of law to influence the mind of a judge. A judge is supposed to be a vacuum. His mind is supposed to be empty of any factor except the evidence that he received in court," aniya. Ani Santiago, ang dapat ibalita lamang ng media ay ang nangyari sa korte. Hindi raw dapat nagbibigay ng komentaryo tungkol sa merito ng kaso ang mga kolumnista at commentator. "Any conduct of media which tends directly or indirectly impede, obstruct or degrade the administration of justice is a subject to contempt power of the court," aniya. Nauna nang inilabas ng alliance of student councils nitong Lunes ang resulta ng survey na kanilang isinagawa sa ilang mga pamantasan sa bansa. Ipinakikita umano nito ang kawalan ng tiwala ng maraming college students kay Corona. Ayon sa representatives ng kanilang alliance, hindi nila kinakatakutan ang banta ni Santiago sapagkat karapatan nila ang magsagawa ng survey. - Amanda Fernandez/KBK, GMA News