ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ilang lugar sa Iloilo, nalubog sa baha


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ilang bayan sa lalawigan ng Iloilo at sa Capiz ang nalubog sa baha dahil sa walang tigil na pag-ulan na sinasabing dulot ng tail end of the cold front nitong Miyerkules. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Huwebes, sinabing pinasok ng tubig ang ilang bahay sa Brgy Mabang Sapa sa Sara, Iloilo. Halos buong araw umanong bumuhos ang ulan sa lalawigan na nagsimula dakong 9:00 a.m. Ang mga lumikas sa kanilang bahay ay nagpalipas ng magdamag sa Sara Sentral Elementary School. Ayon kay Brgy Capt Romie Capacillo, pinilit nila ng mga tanod ang mga residente na iwan na ang kanilang mga bahay nang tumataas na ang tubig sa sapa. Sinabi naman ni Jefry Zarries, coordinator ng Disaster Risk Reduction Management Council sa bayan ng Sara, na mula sa bundok ang tubig na bumaba sa bayan. Bumaha rin umano sa bayan ng Lemery, San Enrique at lungsod ng Pasi. Sa Capiz, pinaka-naapektuhan ng pagbaha ang mga bayan ng Sigma at Mambusaw. Humupa na ang baha sa may 100 barangay sa Capiz pero nasa mga evacuation center ang mahigit 400 pamilya na nagsilikas. Nakaalerto pa rin ang lokal na pamahalaang panglalawigan at mga tauhan ng DRRMC. - FRJ, GMA News.

Tags: landslide, iloilo