Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Ogie Alcasid says President Aquino is the 'best endorser' of OPM2Go

March 30, 2012 3:49pm


Dumalo si Pangulong Noynoy Aquino sa launching ng website na OPM2Go.com kagabi, March 28, sa Eastwood Citywalk sa Libis, Quezon City.

Ang OPM2Go.com ay isang proyekto ni Ogie Olcasid at iba pang mga taga-music industry na ang layunin ay matulungan ang Filipino musicians na maibenta ang kanilang mga kanta online.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ogie ay kanyang sinabi na personal niyang inimbitahan si PNoy sa naturang event.

Saad ng singer-songwriter, "PNoy is a fan of OPM.

“OPM nga ang tawag ko diyan—Our President’s Music.

“And I’m honored that he’s coming, because I think he’s the best endorser for OPM.

“Because he listens to music and he’s the best critic when it comes to music.

“And mahal niya ang bayan natin, mahal niya ang Pilipino, mahal niya ang OPM, e.

“Nararapat lang na hingin din natin ang suporta rin niya, suporta niya."

OPM2GO. Noong gabing iyon ay nagbigay rin ng keynote speech si Ogie upang ipaalam sa lahat kung paano kadali ang paggamit ng OMP2Go.

Ano nga ba ang OPM2Go?

“It’s our very own version of iTunes," sagot ni Ogie.

“It’s an OPM dedicated online store.

“Sa ngayon, makakabili na po tayo ng music na OPM at ten to fifteen pesos.

“And you can also buy full albums.
“You only have to do is log-on to www.opm2go.com, sign up, and then you can buy."

Kampante ba sila na tatangkilikin ito ng mga Pilipino? Lalo na ngayon na maramin sa ating mga kababayan ang nahihilig na sa musikang banyaga?

Sagot ni Ogie, “Well, maririnig n'yo yung mga bago nating mga talents, mga… at yung mga mainstream artists natin na naging independent musicians.

“Sa sobrang ganda ng music [na maririnig ninyo], imposibleng hindi tatangkilikin ‘yan.

“At the same manner that during the glory days na malakas ang benta ng OPM…

“Naniniwala ako dahil sa galing ng Pilipino, sa galing nilang gumawa ng kanta, umawit, tatangkilikin!"

HIS INSPIRATIONS. Samantala, ngayon ay sobrang nag-e-enjoy sa pagiging daddy niyang muli si Ogie dahil sa anak nila ni Regine Velasquez—si Nathaniel James o Nate.

Kumusta naman pagiging daddy niya kay Nate?

“A, okay naman!" nakangiti niyang sabi.

“Okay naman, siyempre anak natin, e.

“Inspirasyon ‘yan sa ginagawa natin.

“Oh, and I’m very inspired along with my wife [Regine].

“I think my wife and I are, are… my wife and my son are… they serve as my inspiration."

HOLY WEEK. Tinanong na rin ng PEP kung ano ang plano nila sa darating na Holy Week.

“Wala, sa Batangas lang kami. To spend six days in Batangas and sa beach lang."

Meron ba silang mga panata kapag ?

Meron ba silang panata kapag Mahal Na Araw?

“Wala, wala naman," pag-iling niya.

“We’re Christians, so kami, usually just family time and we pray every day anyway.

“Good practice would be Bible sharing maybe on Good Friday and it’s nice to do that." -- Elli Alipio, PEP
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus