Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Mark Herras on ex-girlfriend Jennylyn Mercado

March 30, 2012 4:19pm



PEP EXCLUSIVE: Ang afternoon soap ng GMA-7 ang ikalawang pagtatambal nina Mark Herras at Kris Bernal sa telebisyon.

Una silang naging magkapareha sa primetime dance-serye na Time of My Life noong isang taon.

Kaya naman hindi nakapagtataka kung mas kumportable na sa isa’t isa ang dalawang StarStruck winners bilang magka-loveteam.

Sabi nga ni Mark, “Dun sa loveteam namin ni Kris, we’re doing good. Nae-enjoy namin yung loveteam namin.

“Nae-enjoy naming dalawa na walang nagagalit na ibang tao.

“And dun naman sa personal life namin, wala namang nagre-react.

“So, maganda… maganda yung nangyayari dun sa tandem ng Mark and Kris.

“At siguro, mas naa-appreciate ng mga tao yung loveteam [namin] ngayon dahil ‘eto, hindi sila maguguluhan, e.

“I mean, makikita nila puro drama lang, walang sayaw. So, mas mapapansin nila."

Ang tinutukoy ni Mark ay ang dance numbers nila noon ni Kris sa Time of My Life.

KRIS BERNAL. Ang orihinal at kauna-unahang ka-loveteam ni Mark ay ang kanyang ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado.

Sila ang nanalo sa first batch ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck.

Matagal na panahon na sila ang pinagtatambal ng GMA-7 sa mga proyekto nila sa TV; kahit na noong nagwakas na ang relasyon nila bilang magkasintahan.

Pero noong isang taon ay sinubukan nga ng Kapuso network na itambal si Mark kay Kris Bernal sa Time of My Life.

Kinagat naman ng mga tao ang tambalan nila kaya nasundan ito agad ng panibagong proyekto—ang afternoon soap na Hiram Na Puso.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark kung paano niya ikukumpara ang tambalan nila noon ni Jennylyn sa tambalan nila ngayon ni Kris.

Aniya, “Well… iba kasi yung kay Jen, e. Iba talaga yung kay Jen.

“I mean, sa lahat ng mga naka-loveteam ko, talagang iba yung tandem ng Mark-Jen.

“Until now, sa Twitter, ‘pag napansin n’yo, talagang maraming nagko-comment, maraming nagre-react, nagre-request, for another project with Jen.

“Nagsimula yung Hiram Na Puso, so hindi sila napagbigyan.

“Lagi naman silang nagre-request for Party Pilipinas na lagi kaming sumayaw ni Jen—which is nabibigay naman sa kanila ng Party P every Sunday.

“Iba yung chemistry ng Mark-Jen, pero siguro this time, iba rin yung nakita ng tao—na may chemistry yung Mark-Kris.

“Na in real life, talaga namang hindi kami ni Kris. Never akong nagkaroon ng issue with Kris.

“But, nape-play up namin yung loveteam nang maayos na hindi namin kailangan na plastikan, na kunwari, ‘Uy, kailangan sweet tayo.’

“Hindi naman, nagagawa namin nang tama dahil at ease kami sa isa’t isa.

“We’re very, very good friends ni Kris.

“At sa sobrang close namin, tawagan namin, ‘Tita!’

“Pati ako, tawag niya, ‘Tita!’ Name niya sa phone ko, ‘Tita Bernal.’

“So, talagang ganun dumating yung friendship namin ni Kris… naging kumportable kami."

YNNA ASISTIO. Hindi ba naman nagseselos ang girlfriend niyang si Ynna Asistio sa closeness nilang ito ni Kris?

“Yun ang maganda… actually, one time, si Ynna pa nga ang nag-text sa akin na, ‘Hon, mag-post ka nga ng pictures n’yo ni Kris Bernal. Lagi na lang si Kris ang nagpu-post.’

“Sabi ko, ‘Alam mo namang hindi ako mahilig mag-post. Sige, sige, magpu-post ako para sa ‘yo…’ Parang gano’n.

“So, ‘yon. Very, very supportive si Ynna.

“And I’m very thankful dahil walang anuman don’sa mga personal relationships namin na makakaapekto sa trabaho namin—nakakatulong pa."

JENNYLYN MERCADO. Inusisa rin ng PEP si Mark tungkol sa ex-girlfriend at dati niyang ka-loveteam na si Jennylyn Mercado.

Kumusta ang pakikitungo nila sa isa’t isa ngayon pagkatapos ng lahat ng mga nangyari sa kanila?

“Well, mas mature kami ngayon," umpisa ni Mark.

“Mas andun yung mas nagagawa namin yung trabaho namin. Unlike yung time na kakahiwalay pa lang.

“And siguro yung mag-usap kami, very casual lang na… hindi na ‘tulad before na parang isip-bata kami pareho.

“Siguro very, very casual na lang na… siguro ipinapakita namin sa tao na we’re matured enough para gampanan ‘tong kung anumang gusto naming mangyari sa show business, di ba?

“And sa mga taong nagre-request about our loveteam, di ba, na ‘eto kami, ‘eto kami ni Jen ngayon. ‘Eto yung relationship namin ngayon.

“Hindi kami katulad dati na super close, pero we’re okay talaga."

Nag-uusap ba sila tungkol sa kani-kanilang relasyon?

“Actually, hindi na. Medyo wala rin kaming time para mag-usap tungkol sa gano’n.

“Normally, nagkikita kami… actually hindi kami nagkikita sa rehearsal, e.

“Normally, Sunday na nga lang [sa Party Pilipinas], e, kasi yung sked namin pareho, hindi magkatugma.

“Normally, wala na kaming oras mag-usap."

Gaya ng nabanggit ni Mark ay sa musical-variety show na Party Pilipinas na lang sila nagkikita ni Jennylyn. At dito ay nagkakasama sila paminsan-minsan sa mga production numbers.

Ano yung pakiramdam tuwing nagkakaroon sila ng production number? May kilig pa ba?

Sabi ni Mark, “Yung sa amin siguro, natutuwa kaming pakiligin yung tao, e.

“Kasi ayun yung meron kami ni Jen na ginagawa ever since—na kaya naming magpakilig ng tao kahit hindi kami.

“Kumbaga, may ibibigay sa aming projects, kaya naming laruin ‘to… parang gano’n.

“So, like for example, last, last Sunday, meron kaming sayaw na ginawa.

“Sabi niya sa akin, ‘O Mark, sa last part ng sayaw, talagang didikit ako… ididikit ko yung pisngi ko sa ‘yo.’

“Sabi ko, ‘O sige, idikit mo!’ ‘Tapos niloloko ko pa siya, sabi ko, ‘Sanay na ako diyan!’ Parang gano’n.

“So, hindi ini-expect ng tao na gano’n.

“Talagang pagkadikit na pagdikit sa akin ni Jen, talagang yung buong studio… nagulantang na naman sila!

“Pero kami ni Jen, para kaming, ‘Oops, kayang-kaya naming gawin ‘to.’

“So siguro, sa amin ni Jen, yung feeling ng ginagawa namin, hindi na ‘yon bago sa amin.

“Ang nakakatuwa is yung tao, parang hindi sila nagbabago."

JENNYLYN IN MARK’S EYES. Sa tagal na ng pagkakakilala at sa lahat ng mga pinagdaanan nila, paano mailalarawan ni Mark si Jennylyn ngayon?

“Ako, ever since naman, sinasabi ko sa tao, si Jen ay isang babae na napakatapang.
“Sa sobrang daming intriga na napunta sa kanya—sobrang daming issues, sobrang daming problema, sobrang daming pagsubok—sa huli, makikita natin na nalalagpasan niya lahat ng ito.

“Dahil napaka-strong ng personality ni Jen.

“And as of now, sa pagkakakilala ko kay Jen—kahit hindi na kami ganun ka-close ulit—mas naging matibay na tao si Jen.

“At mas nakakapag-isip na siya nang tama and mas kayang-kayang harapin…

“Siguro parang wala na yatang problema na hindi kayang harapin ni Jen.

“Parang panis na sa kanya lahat!

“She has a very, very strong personality."

Kung si Mark ay may Ynna Asistio na, si Jennylyn naman ay may Luis Manzano ngayon.

Sa palagay ba ni Mark ay si Luis na ang tamang lalake para kay Jennylyn?

“Actually, hindi ko naman masasabi kung sino ang tamang lalake para sa kanya.

“In fairness kay Jen and Luis now, ngayon ko lang nakita si Jen na very, very vocal about yung relationship na meron siya.

“Kahit sa Showbiz Central, minsan nagha-hi siya kay Lucky.

“So siguro, maybe… maybe Luis is the right guy for Jen," tugon ni Mark. -- Erwin Santiago, PEP




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus