ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Cebu HS student na nag-post ng pic sa FB na naka-bikini, hindi makapag-martsa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nabigo ang kontrobersiyal na high school student ng St. Theresa’s College sa Cebu City na makapag-martsa sa graduation ceremony ng paaralan nitong Biyernes kahit nakakuha siya ng Temporary Restraining Order (TRO) mula sa korte. Sa ulat ng GMA News 24 Oras nitong Biyernes, sinabing hindi pinayagan ng mga guwardiya na makapasok ng eskuwelahan ang mga magulang at ang babaeng nag-post umano ng larawan sa Facebook nang naka-bikini. Ang hindi pagpapasama sa naturang estudyante sa matsa ay nagsisilbing parusa dahil sa paglabag umano nito sa patakaran ng paaralan na nakakaapekto sa moralidad ng mga mag-aaral. Napag-alaman na apat pang senior high school students ang hindi rin pinayagang makapasok sa paaralan at makasama sa graduation ceremony dahil sa paglalagay din nila ng litrato sa Facebook nang naka-bikini. Nitong Huwebes, nagpalabas ng TRO ang korte sa naturang kautusan at inataasan ang paaralan na payagang makapag-martsa, makaakyat sa stage at tumanggap ng diploma ang estudyante. Nang malaman ng korte na hindi pinayagang makapasok ang estudyante sa paaralan nitong Biyernes, nagtungo sa eskuwelahan ang sheriff ng korte para ihain ang TRO. Pero maging ang tauhan ng korte ay hindi pinapasok ng guwardiya. -- FRJimenez, GMA News