ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Cruise ship, nasunog sa karagatang sakop ng Palawan; 5 sakay, sugatan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tinatayang lima katao ang nasugatan nang masunog ang isang cruise ship sa kagaratang sakop ng Tubbataha Reef sa Palawan nitong Sabado. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, sinabing nag-apoy ang MV Azamara Quest dakong 7:15 a.m. sa layong 75 nautical miles south off Tubbataha Reef. "Five crew members were injured, one is unstable due to prolonged heat and smoke exposure, while four others are stable," nakasaad sa ipinalabas na ulat ng NDRRMC dakong 1:00 p.m. nitong Sabado. Nagpadala umano ang Coast Guard ng tatlong search-and-rescue vessels upang magbigay ng ayuda sa naturang barko. Ayon sa NDRRMC, ang MV Azamara Quest ay isang Malta cruise ship na nagmula sa Singapore. Sakay nito ay ang 590 pasahero at 411 crew members. Patungo umano ang Azamara Quest was sa Mumbai, India nang maganap ang insidente. Sa naunang ulat, sinabing naapektuhan ang makina ng barko dahil sa nangyaring sunog. "The fire has been put out but they cannot start the two engines so it is now adrift between Palawan (island) and Zamboanga (port)," pahayag ni Department of Transportation spokesperson Nicasio Conti, nang makapanayam ng DZBB radio nitong Sabado ng umaga. -- FRJ, GMA News