EATS More Fun In The Philippines sa April 15 na!
Bilang bahagi ng unang anibersaryo ng GMA News TV, isang kakaibang putahe ang ihahandog sa ating mga Kapuso na bubusog sa kaalaman ng mga Pinoy pagdating sa pagluluto, ang programang EATS More Fun In The Philippines! Ang programa na pagpapakita at magtuturo ng mga lutuing Pinoy na nagpasalin-salin na sa iba’t ibang henerasyon, ay pangungunahan ng kilalang Pinoy chef sa mundo na si Chef Boy Logro. Talaga namang tiyak na mapapabilid tayo sa mga ihahandang lutuin mula sa Luzon, Visayas at Mindanao. Kabilang dito ang ipinagmamalaking “pinakbet" ng Ilocos region; ang original “lechon" ng Cebu City at “Chicken Inasal ng Visayas; at maging ang mga pambatong panghimagas naman ng Mindanao. Markahan na ang kalendaryo sa April 15 (Linggo), 8:40 pm, sa GMA News TV, ang EATS More Fun In The Philippines! with Chef Boy Lagro. - FRJ, GMA News