ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ex-Pres Arroyo, nanalangin para sa 'unity' at 'healing' ng bansa


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nanawagan si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa publiko na manindigan para sa pagkakaisa at paghilom ng "sugat" ng bansa na dulot ng bangayan sa pulitika. “Sana po ay mawala na ang kaguluhan at kalungkutan likha ng hindi pagkakaisa. It is my fervent hope that we will be truly united in the pursuit of long-lasting happiness and prosperity," nakasaad sa ipinalabas na pahayag ni Arroyo para sa paggunita ng Semana Santa at pagdiriwang ng kanyang ika-65 taong kaarawan. Ang naturang pahayag ni Arroyo ay ipinadala sa media nitong Martes ng tanggapan ni Elena Bautista-Horn, tagapagsalita at chief of staff ng dating pangulo. Ipagdiriwang ni Arroyo ang kanyang kaarawan ngayong taon sa loob ng Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City, kunsaan siya naka-hospital arrest. Umaasa din umano siya sa “divine providence" para maprotektahan ang bansa at mga Filipino mula sa mga kalamidad at paghihirap. “Sana po ay mawala na ang kaguluhan at kalungkutang likha ng hindi pagkakaisa. It is my fervent hope that we will be truly united in the pursuit of long lasting happiness and prosperity," dagdag ni Arroyo. Si Gng Arroyo ay ilang buwan nang nakadetine sa Veterans Memorial Medical Center dahil sa mga kinakaharap na kaso kabilang ang electoral sabotage at katiwalian. Hangad umano ng dating pangulo, na kongresista na ngayon ng Pampanga, ang paghilom ng “sugat" ng bansa. “Let us pray so hard that wounds will be healed soon, with faith and resolve to help one another and move as a nation towards a brighter future," ayon kay Gng Arroyo. -- RP/FRJ/KG, GMA News