Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Where will the stars be this Holy Week?

April 4, 2012 5:02pm


Panahon na naman ng Mahal na Araw kaya inalam ng PEP kung papaano at saan ipagdiriwang ng ilang celebrities ang mahabang bakasyon.

Narito ang kanilang mga sagot:

Mark Herras – “Baka nasa Laguna kami ng family ko sa Mahal na Araw, magsisimba at bakasyon na rin."

JC de Vera – “Baka sa La Union kami kasama ng mga kaibigan ko magma-Mahal na Araw."

Kris Bernal – “Usual, every Holy Week, sa bahay lang kami with my family, nag-o-observe din ng Church activities."

Yasmien Kurdi – “This Holy Week? Maybe with my friends… Road trip to Bataan… wala kasi kaming Holy Week kasi Iglesia ni Cristo ako."

Sunshine Dizon – “We're planning to visit my dad sa Amerika kasama ang baby ko na si Doreen Isabel and my husband Tim. Doon kami magma-Mahal na Araw at the same time bakasyon na rin. Siguro magsisimba lang kami doon nang sabay-sabay."

German Moreno – “Noong Holy Monday, nagsimba ako kasama ng iba pang miyembro ng Walang Tulugan sa Our Lady Of Manaoag para magsimba at magpasalamat sa lahat lahat ng blessings na ibinibigay niya sa isang Kuya Germs. Pero ‘pag dumarating kasi ang Semana Santa, nasa bahay lang ako at lumalabas para magsimba."

Ryza Cenon – “This Holy Week, sa bahay lang po ako, siguro magbi-Bisita Iglesia at magdarasal."

Assunta de Rossi – “Every year na sa San Carlos Negros Occidental lang ako kasama ang pamilya ko ‘pag Mahal na Araw."

Edgar Allan Guzman – “Tagaytay po ako kasama ang pamilya, doon po kami magma-Mahal na Araw."

JC Tiuseco – “Baka Subic kami kasama ko ang mga friends ko."

Steven Silva – “Uuwi lang ako sa Davao to visit my family and friends, doon ako magma-Mahal na Araw at bakasyon na rin."

Charee Pineda – “’Pag Mahal na Araw, nasa bahay lang po kami at the same time nagsisimba at bi-Bisita Iglesia."

Jake Vargas – “’Pag Holy Week, sa bahay lang po kami ng buong pamilya tapos nagbi-Bisita Iglesia at nagpapasalamat sa mga blessings na ibinibigay sa akin ni Lord."

Joyce Ching – “Sa house lang po, nagdarasal kasama ng buong pamilya, 'tapos lumalabas kami para magsimba."

Kristoffer Martin – “Pupunta po kami ng buong pamilya sa Hidden Valley, bale bonding moments namin, at the same time pahinga na rin para makapag-recharge sa dami ng trabaho na ginawa ko noong mga nakaraang buwan. Tapos magdarasal kaming buong pamilya."

Lexi Fernandez – “Baka house lang po kami kasama ang buong pamilya sa Mahal na Araw, magsisimba rin po kami."

Louise delos Reyes – “Pupunta po kami ng mommy ko sa Hong Kong, bale gift ko na rin sa mommy ko at the same time bonding namin."

LJ Reyes – “Sa ngayon wala pa pong plan kung saan kami pupunta, bale mag-uusap pa kami ni Paulo [Avelino] kung saan kami magho-Holy Week."

Sheena Halili – “Sa Pampanga kaming family, nagsisimba at nagdarasal nang sabay–sabay at nagbi-Bisita Iglesia po kami."

Teejay Marquez – “Pupunta kami ng mga kaibigan ko sa Thailand. Bale pahinga na rin sa dami ng trabaho, 'tapos hahanap kami ng Catholic church dun para magsimba na rin para magpasalamat sa lahat ng blessings na binibigay niya [Lord] sa akin at sa pamilya ko."

Sylvia Sanchez – “Bale kung nung last year pumunta kaming buong pamilya sa Amerika for one month vacation at bonding, this year siguro house lang kami, ‘tapos pupunta lang ng church para magdasal at magpasalamat."

Arjo Atayde – “Baka this Holy Week punta po kami Baguio ni Akiko, dun po kami magho-Holy Week at bakasyon na rin at the same time."

Stephanie Henares – “We’re planning to go to the U.S. together with my family ko."

Shalala – "This year, Boracay kami with friends [John Nite and Rene], pero kahit nasa Bora ako, mag-i-Station of the Cross ako. Pahinga nang bonggang-bongga!"

Hiro Magalona – “’Pag Mahal na Araw, nasa bahay lang kaming buong pamilya ‘tapos nag-Station of the Cross kami, bawal kumain ng karne—gulay at isda lang. Ito din po yung time na pagsisihan yung mga kasalanan at pagkakamaling nagawa mo sa buhay at pagpapasalamat na rin sa mga magagandang bagay na ginawa sa akin at sa aking pamilya ng Diyos."

Benjamin de Guzman – “Every year po, nasa house lang po kami tuwing Semana Santa [kasama] ng family, nagpupunta sa Church at nagdarasal, humihingi ng patawad sa mga kasalanang nagawa ko at nagpapasalamat sa dami ng blessings na binibigay niya sa akin at sa aking pamilya. Pero baka this year, punta kami ng Nueva Ecija para bisitahin dun ang mga kamag-anak namin at pahinga na rin."

Vangie Lalaban – “At home; whenever it happens to be and spiritual bonding with my whole family."

Rhen Escaño – “Baka ngayong Holy Week sa Cavite lang ako, ‘tapos magbi-Bisita Iglesia kami kasama ng mga friends and family ko.

Aaron Villaflor – “Sa Tarlac pa rin po ako with my family, 'tapos nagsisimba kami at sabay-sabay na magdarasal."

John Nite – “Bound to Boracay ako, kasama ng mga friends na sina Shalala and Rene, doon kami magma-Mahal na Araw ng ilang araw tapos magbibiyahe ako sa Germany for a show naman."

Dang Cruz – “Papunta kami sa Subic sa Mahal na Araw, sa partidos ng husband ko kasi gusto nila ‘pag Mahal na Araw, magkakasama-sama kaming magpapamilya."

Arnell Ignacio – “As of now, wala pang plano kung saan kami pupunta ng Holy Week, baka sa bahay lang siguro with my daughter ‘tapos magsisimba lang kami."

Frank Garcia – “La Union lang kami sa Mahal na Araw kasama ang buo kong pamilya."

Kim Komatsu – “Bahay lang po kami, pero lalabas po kaming pamilya para magsimba [Bisita Iglesia] at magpasalamat sa maraming blessings na ibinibigay Niya sa akin at sa family ko."

Meg Imperial – “Bale uuwi po kaming buong pamilya sa Bicol sa Mahal na Araw, magsisimba at magbi-Bisita Iglesia." -- John Fontanilla, PEP



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus