We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Pangungunahan nina Jay-R at Kyla ang mga Kapuso stars na makikibahagi sa 2012 Panaad Festival, na tinaguriang “mother of all festivals" ng Negros Occidental. Ang “Panaad" na wikang Hiligaynon ng salitang “pangako", ay taunang selebrasyon bilang pasasalamat sa masaganang buhay na ipinagkakaloob ng Maykapal sa mga mamamayan ng lalawigan. Ang kapistahan ay idinaraos tuwing Abril sa lungsod ng Bacolod, at nilalahukan ng iba’t ibang bayan at lungsod sa buong lalalawigan. Pasisimulan ni RnB Princess Kyla ng Party Pilipinas ang pakikiisa ng GMA Network sa selebrasyon sa Lunes, April 9, sa pamamagitan ng "Kapuso Meet and Greet", sa SM City Bacolod dakong 4:00 p.m. Makakasama niya ang RnB Prince na si Jay-R (Party Pilipinas) at iba pang Kapuso stars gaya nina Sarah Lahbati (mula sa upcoming Kapuso primetime offering na Makapiling Kang Muli) at Steven Silva (Party Pilipinas), sa "Kapuso Night" sa Panaad Park and Stadium, dakong 8:00 p.m. Haharanahin naman ng Kapuso heartthrob na si TJ Trinidad (Makapiling Kang Muli), ang mga kandidata sa “Lin-ay Sang Negros" beauty pageant, sa Coronation Night sa Abril 13 (Biyernes), sa Panaad Park and Stadium pagsapit ng 8:00 p.m. Magsisilbing host sa naturang koronasyon sina GMA Regional TV personality Anna Maris Igpit at Kapuso artist na si Victor Aliwalas. Magbibigay din ang GMA Network ng “Miss Kapuso Special Award" sa mapalad na kandidata sa coronation night. Sa Abril 14 (Sabado), magdaraos muli "Meet and Greet" ang GMA Network sa SM City Bacolod, kung saan makakasama nila ang mga Kapuso star na sina TJ at Jackie Rice (Bubble Gang) dakong 4:00 p.m. “It is with great privilege that we celebrate this year’s Panaad Festival with our Kapusong Negrenses. We are certain that they will enjoy everything we have in store for them through the participation of our Kapuso stars," ayon kay Oliver Amoroso, assistant vice president for sales and marketing ng GMA Regional TV. Ang highlights ng Panaad Festival kung saan kabahagi ang GMA Network ay mapapanood sa TV Special na “Let’s Fiesta" sa mga regional station ng Kapuso Network sa Davao, CDO, GenSan, Dagupan, Cebu, Iloilo, Naga, at Bacolod sa April 29. – FRJimenez, GMA News