ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rufa Mae Quinto at Boy2 Quizon, may inamin tungkol sa kanilang relasyon


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kahit idinaan sa biro, makahulugan pa rin ang naging mga pahayag nina Rufa Mae Quinto at Boy2 Quizon tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon. Sa ulat ng Showbiz Exclusive ng GMA News TV nitong Martes, mismong si Boy2 ang nagtanong sa kanyang Bubble Gang co-star na si Rufa Mae kung sila na nga ba. Kaagad namang sumagot ang sexy comedienne na, “hindi pa." “Bakit minamandali mo na ba?," natatawang tanong naman ni Rufa Mae kay Boy2. “’Wag mong madaliin, dahan-dahan lang." Ilang buwan nang napapaulat ang tungkol sa umano’y romantikong relasyon nina Boy2 at Rufa Mae. Ito’y makaraang mawala na sa eksena ang sinasabing “mystery" boyfriend ng aktres na tinawag noon na si “Mr M." Samantala, sa naturang panayam sa dalawa, nagbiro si Boy2 na magaganap ang kasalan nila sa December 12, 2012, sa Dakak at imbitado umano ang lahat, “under the water." Sa kabila ng mga biruan, napag-alaman naman na ipinakilala na ni Boy2 sa kanyang pamilya si Rufa Mae. Ayon sa aktres, madalas nga raw niyang kasama ang pamilya ni Boy2 at masaya siya dahil feel niya na part na siya ng pamilya ng aktor. -- FRJimenez, GMA News