GMA News Online
Ulat Filipino
»
Balitang Pinoy

Hero dog na si ‘Kabang,’ mommy na

April 14, 2012 4:02pm

Tags: Kabang
Nanganak na ang hero dog ng Zamboanga City na si “Kabang." Sa ulat ng GMA News TV’s Balitanghali nitong Sabado, anim ang tuta na iniluwal ng aso.

Si Kabang ang aso na napingas ang nguso sa paglitas sa kanyang amo na muntik nang masagasaan ng motosiklo.

Sakabila ng kanyang kondisyon, malulusog naman umano ang mga tuta na kanyang isinilang.



Inihayag din ng beterinaryo na nagpaanak kay Kabang na nabalitaan niya na isang animal welfare group ang mag-i-isponsor ng reconstructive surgery sa aso.

Manggagaling pa umano sa Amerika ang aayos sa napingas na nguso ni Kabang.

Matatandaan na bumuhos ang tulong kay Kabang nang lumabas ang balita tungkol sa ginawa niyang kabayanihan. Pero hindi kaagad naisagawa ang surgery matapos na malaman na buntis siya. - FRJimenez, GMA News

Tags: Kabang



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus