ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Seguridad sa US Embassy, mas hinigpitan matapos maganap ang lightning rally
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Isang araw matapos maganap ang lightning rally na isinagawa ng ilang militante sa harap ng US Embassy sa Manila, mas hinigpitan na ng mga pulis ang seguridad sa lugar.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, napag-alamang natutulog umano sa trabaho ang secuirty guard ng embassy nang maganap ang rally, ayon sa ulat ng radio dzBB.
Nitong Martes ng umaga, dinagdagan ng Manila Police District ang kanilang mga tauhan sa paligid ng embassy sa Roxas Boulevard.
Samantala, malinis at maayos na muli ang harapan ng embahada, kabilang na ang kanilang selyo.
Nagawang sirain at sabuyan ng pula’t asul na pintura ng mahigit 50 na mga raliyista ang harapan ng embahada.
Sa isang litratong kumakalat sa social networking sites nitong Lunes, makikita ang security guard na nakatokang magbantay sa embahada, na kinilala bilang si PO3 Arnel Joson, na natutulog lamang sa loob ng kanyang mobile patrol vehicle na nakaparada sa loob ng embahada. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular