Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

Richard Gutierrez admits dating non-showbiz girl

April 17, 2012 3:33pm



Matapos ang sandaling bakasyon nitong katatapos na Holy Week, balik-trabaho na naman si Richard Gurierrez.

Sa pakikipag-usap sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, April 15, nasabi niyang excited na siya sa bago niyang primetime series sa GMA-7, ang Makapiling Kang Muli.

Makakapareha niya rito sina Carla Abellana at Sarah Lahbati.

“I’m looking forward to it," aniya.

“Nag-taping na kami one time. But hindi ko pa nakakaeksena si Carla and Sarah.

“So I’m looking forward to our scenes."

Kilala si Richard sa pagiging maasikaso sa kanyang nakakapareha. Magiging mahirap ba ngayon para sa kanya na dalawa ang kanyang aalagaang leading ladies?

“Well, ever since before naman, parang… I’m used to working with lots of different people, e.

“And okey naman. I mean, it’s going to be the same."

THE CHALLENGE. Sa isang interview ni Richard ay sinabi niya na noong nagmi-meeting pa lang sila ng management tungkol sa pinaplanong bagong seryeng gagawin niya, hinamon niya ang creative team to come out with something really new for him.

Ito na bang bagong pinagbibidahan niyang primetime series ang sagot sa challenge niyang iyon?

“You know, every project is a challenge. Uhm… so I think, yeah, this will be another challenge for me.

“It’s something new for me. And it’s something exciting.

“So I think every project has a challenge and something that… I can work harder."

May mga paghahanda raw na ginawa si Richard sa pagsisimula ng bago niyang soap opera.

“Yeah, like horseback riding. Refresher course lang.

“Kasi before, nag-training na rin ako for Zorro.

“So parang just to get the feel of riding a horse again, and ‘yong mga gawain sa ranch, like ‘yong paghuli ng baka gamit ang lubid.

“So, ‘yon, simple basic trainings for ranch lifestyle."

Kumusta naman ang first day of taping niya?

“Ang sarap!" bulalas ni Richard.

“Na-miss ko talaga to be in front of the camera nang hindi naka-costume o hindi superhero. Or hindi action hero.

“So, ang sarap no’ng feeling. Uhm… sobrang excited ako no’ng first day namin."

DIREK RICKY. Puring-puri rin ni Richard ang direktor nila sa serye na si Ricky Davao.

Kuwento niya, “Ang galing ni Direk Ricky Davao. Magaling talaga siya.

“And I enjoy working with him. He’s very passionate.

“So I like it. I like the attitude.

“And yeah, mahihirap ‘yong mga eksena—madugo, madetalye. It took us the whole day.

“Nagustuhan ko ‘yong mga shots ni Direk, the way he treated the scenes. Talagang magaling.

“And ang daming details. Ang daming shots. So talagang na-enjoy.
“Nasa prison ako no’ng first taping day namin.

“Abangan na lang ninyo kung bakit ako napunta sa prison."

RICHARD IS DATING. Marami ang curious ding malaman ang kasalukuyang status ng lovelife ni Richard. Ano ang puwede niyang mai-share hinggil dito?

“Uhm… I’m dating," pag-amin niya.

“Hindi naman masama ang mag-date. Pero siyempre, ngayon kasi medyo hectic ang schedule.

“Pero yeah, I’m dating.

“Hindi siya artista," nangiting sabi pa ni Richard hinggil sa babaeng idini-date niya ngayon.

Family friend ba nila ‘yong girl? Bago o matagal na niyang kakilala?

“Enough!" natawang sabi niya na huwag nang mag-usisa pa nang husto tungkol dito.

PASADO AWARDS. Sa Miyerkules, April 18, kasama si Richard sa mga celebrities na bibigyan ng parangal sa taunang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro (PASADO) Awards. Mga guro ang nasa likod ng award-giving body na ito.

Gagawaran ng reconition si Richard dahil sa advocacy and campaign niya kaugnay ng environmental awareness.

Labis na ikinatutuwa ni Richard ang tungkol dito. Ang kaso, may taping daw siya kaya hindi siya makakadalo.

Ang kakambal niyang si Raymond Gutierrez daw ang pupunta to accept the said award in his behalf.

Ayon kay Richard, “Siyempre it’s an honor for me. I’m very thankful. I’m very blessed.

“And I’m also very thankful sa team ng GMA News And Public Affairs dahil maraming tao ang naghirap doon sa mga documentaries na ginawa namin about environmental awareness.

“I salute also all the people behind me, supporting me.

“And of course, maraming salamat din sa lahat ng bumubuo ng Pasado Awards."

Bakit nga ba naging dedicated siya sa kanyang campaign concerning environmental awareness?

“Iyon kaya ang parang naging calling ko, e. And happy naman ako in doing that," sagot ni Richard. -- Ruben Marasigan, PEP
Go to comments




We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus