ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ika-98 suspek sa Maguindanao massacre arestado sa Cotabato City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Arestado nitong Martes ang isa pang suspek sa Maguindanao massacre sa Cotabato City, ayon sa isang opisyal ng militar nitong Miyerkules. Ayon kay Col. Prudencio Asto, inaresto ng regional police intelligence operative si Sunn Pindi, dating police volunteer, nitong Martes ng tanghali malapit sa Sardonyx Plaza. Si Pindi ang ika-98 suspek na naaresto kaugnay sa malagim na massacre noong Nob. 23, 2009 sa bayan ng Ampatuan kung saan umaabot ng 57 katao, kabilang na ang 32 media workers, ang napatay. Aabot sa 198, kabilang ang ilang miyembro ng makapangyarihang Ampatuan clan, ang suspek sa massacre. Arestado si Pindi base sa warrant na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 221 sa pamumuno ni Judge Jocelyn Solis-Reyes, na kasalakuyang dumidinig sa kaso. Ayon kay Asto, naunang inakala ng militar na na-kidnap si Pindi ng mga hindi kilalang suspek. Nabalitaan daw kasi nila na naka-sibilyan ang mga dumakip sa kanya. “The troops found out that they were members of [the police]… This is a legitimate operation by police intelligence operatives. There was just a misconception in effecting the arrest,” aniya. — Amanda Fernandez/KBK, GMA News