ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

PHL Volcanoes, binati ng Palasyo matapos manalo vs Sri Lanka


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Binati ng Malacañang ang Philippine Volcanoes rugby team nitong Sabao ng gabi matapos nilang talunin ang koponan ng Sri Lanka sa huling laban ng Asian 5 Nations Division 1 Rugy Football tournament na ginanap sa Manila. Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, ang kanilang pagkapanalo ay nagpapakita ng "great, detemination and resilience" ng mga Pilipino sa pagharap ng mga pagsubok. "The entire Filipino nation congratulates our Philippine Volcanoes for their victory over Sri Lanka at the Asian 5 Nations Rugby. Once again, we have shown that the great, determination, and resilience at the core of our every effort can surmount any challenge," aniya. Nitong Sabado, tinalo ng Philippine Volcanoes ang koponan ng Sri Lanka, sa puntos na 28-18, sa laban na isinagawa sa Rizal Memorial Stadium. Sa kanilang pagkapanalo, nakapasok ang Volcanoes sa Asian Top 5, na magdadala ng isang koponan mula sa Asia sa 2015 Rugby World Cup sa London, England. Kasalakuyang nasa ika-65 na pwesto pa ang Volcanoes sa buong mundo, ngunit maaari pa itong tumaas sa International Rugby Board (IRB) rankings matapos ang mahusay nilang paglalaro sa nagdaang Division 1 tournament. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News