We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nagkaroon ng birthday celebration sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas nitong Linggo, April 22, ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez. Ito mismo ang araw ng 42nd birthday ni Regine. Natanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung meron din bang party na magaganap kaugnay ng kanyang kaarawan. âWala. May family day sa bahay. âKasi kapag Sunday, family day. Ganoân lang. ââTapos may pansit! Yes. Kapag birthday, laging may pansit!" natatawang sabi ng Asiaâs Songbird. FIRST BIRTHDAY AS A MOM. Ito ang unang kaarawan ni Regine na kapiling niya si Nathan, ang five-month-old baby nila ng asawa niyang si Ogie Alcasid. Ayon nga sa singer-actress, mas kumpleto na ang buhay niya ngayong kapiling nila si Nate. âUhm, siyempre, iba na ang pakiramdam, ano," nangiti si Regine. âKanina ngang madaling-araw, magkasama kami. âSo, wala. Tinitingnan ko lang matulog. âKasi hinihintay ko âyong asawa ko. So, tinitingnan ko lang. âE, umaarte-arte siya! Ha-ha-ha! Kumikilos-kilos. âInaamoy ko âyong hininga niya. Gusto kong gisingin. Gusto kong laruin. âKaya lang, kawawa naman. Hinayaan ko na lang. Tinitingnan ko lang siyang matulog. âSiyempre masarap sa pakiramdam. Iba na âyong feeling. âAt saka na-realize ko, itâs not about me anymore." BIRTHDAY WISH. Ano naman ang kanyang birthday wish? âPumayat ako! âYon lang!" natatawang sabi ni Regine. âWala na akong ibang wish. Ibinigay na lahat sa akin. âWish ko na langâpumayat ako." Ano ba ang mga ginagawa niya ngayon for her to lose weight? âUhm, right now, I just started ano, e⦠I just started âyong aking diet. âKasi nga, five months na si Nathan so nagda-diet na ako ng konti. âBefore itong nag-diet ako, Iâm breastfeedingâfull-time. âE, ngayon, five months na siya. So, nagsu-solid food na. ââTapos meron na siyang supplements, so puwede na. Konti-konti." THE COMEBACK. Ibig bang sabihin nito ay babalik na siya sa pagiging active sa kanyang career soon? Napanood na nga siyang mag-perform sa Party Pilipinas kaugnay ng kanyang birthday celebration kahapon. Pero ayon kay Regine, âAs much as possible sana, ayokong bumalik muna na medyo hindi pa ako comfortable sa sarili kong⦠skin. âSo, ayoko naman na kapag lumalabas ako ng TV, parang nai-insecure ako... âI will work hard first to lose all the weight that Iâve gained during my pregnancy. âTapos hopefully, mabilis lang. âSiyempre, I have to take time kasi I carried the baby for nine months. Hindi naman ganoân kadali iyon." Dagdag pa niya, âAt saka siyempre, hindi na rin ako ganoân kabata. Matanda na rin. âSo I have to be a little more patient with my body and with myself. âSana people will be patient with me also." Ilang pounds ba ang balak niyang bawasin bago siya maging confident ulit? âPuwedeng huwag ng ganoân?" patiling biro ni Regine. âHindi⦠basta Iâll know naman, e. Ayoko nang sukatin. âBasta... siyempre makikita mo naman sa hitsura mo, di ba? âAt saka kung nasusuot mo na âyong mga clothes na sinusuot mo, then thatâs the time." BABY NATE ON PARTY PILIPINAS. Nagkaroon ng first live appearance si Nathan sa birthday celebration ni Regine sa Party Pilipinas kahapon. Planado ba iyon? âWala. Parang hinatak nga lang siya! Na âHalika, dito tayo!â" natatawang sabi ni Regine Obserbasyon ng ilan, parang alam o nararamdaman na ni Nathan na nasa harap siya ng camera. âGanoân ba? Sanay siya, e. Ewan ko sa kanya. âAt parang namana niya âyong pagiging Mr. Friendship ng tatay niya," sabi ni Regine. At may commercial na rin ang baby nila ni Ogieâisang insurance company kung saan kasama rin silang mag-asawa. âYes!" proud na proud na reaksiyon ni Regine. Masusundan ba kaagad ang unang commercial ni Nathan? âThank you to Sun Life. Thank you for trusting usâthe whole family. âA⦠may mga nag-o-offer talaga. Pero siyempre, tinitingnan namin kung ano talaga âyong maganda na kaya naming⦠âSiyempre kapag nagku-commercial, ikaw âyong parang nagri-represent ng product. âSo, konti-konti," napabungisngis na sabi ni Regine.--Ruben Marasigan, PEP