SWS survey: Satisfaction ratings ng pamahalaang Aquino, bumagsak
Bumagsak ang satisfaction ratings ng pamahalaan ni Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III nitong Marso. Mula sa dating 56 percent, nakapagtala ng bagong marka ang Aquino government ng 46 percent, batay sa survey ng Social Weather Station. Sa survey na isinagawa ng SWS nitong Marso 10-13, lumitaw na 64 percent ng mga tinanong ang nasisiyahan sa ginagawa ng gobyerno, habang 18 percent ang hindi nasisiyahan para sa net rating na +46 o “good." Ang nakuhang marka ng gobyerno nitong Marso ay mas mababa ng 10 porsiyento kung ikukumpara sa +56 o “very good", na nakuha ng pamahalaan sa nakaraang dalawang survey noong 2011. Sa kabila ng pagbagsak, mataas pa rin ang satisfaction rating ng Aquino government kaysa sa mga nagdaang administrasyon mula sa kanyang ina na si dating pangulong Corazon Aquino. Ang net ratings ng SWS ay naka-klasipika bilang: +70 and above as “excellent"; +50 to +69, “very good"; +30 to +49, “good"; +10 to +29, “moderate", +9 to -9, “neutral"; -10 to -29, “poor"; -30 to -49, “bad"; -50 to -69, “very bad"; -70 and below, “execrable." Bagsak sa lahat ng lugar at economic classes Nakasaad sa survey ng SWS na bumagsak ang marka ng pamahalaang Aquino sa geographical areas at socioeconomic classes maliban sa Mindanao at Class E. Sa 19 na partikular na usapin na itinanong sa survey, nakakuha ang pamahalaan ng markang “very good" sa tatlong paksa; siyam na paksa ang “good"; apat naman ang “moderate"; dalawa ang “neutral" at isa ang “poor." Narito ang marka ng Aquino government sa bawat usapin: - helping the handicapped (+57 from +55 last December) - helping victims of disaster (+50, down from +58) - promoting human rights (+50 from +45). - promoting the welfare of overseas Filipino workers (+49 from +46) - foreign relations (+46 from +43) - helping the poor (+44 from the previous “very good" +51) - transparency (+42 from a “moderate" +27) - developing tourism (+42 from +35) - having clear polices (+41 from +34) - fighting terrorism (+33 from a “moderate" +27) - promoting foreign investments (also a +33 from a “moderate" +27) - fighting crimes (+31 from +34). - reconciliation with communist rebels (+25 from +20) - reconciliation with Muslim rebels (+22 from +19) - eradicating graft and corruption (+17 from +15) - ensuring that no family goes hungry (+10 from +9). - fighting inflation (zero from +8) - ensuring that oil firms don’t take advantage (unchanged at -3) - resolving the Maguindanao massacre case with justice (-17 from -18). Sa isang pahayag nitong Biyernes, sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, na naniniwala sila na malaki pa rin ang suporta ng mamamayan sa pamahalaan. Ito ay batay umano sa resulta ng survey na 64 porsiyento ng mga tinanong ang nagpahayag na nasisiyahan sila sa ginagawa ng gobyerno. “We have always maintained that surveys are a reflection of the national mood and are valuable tools in feeling the pulse of our people at a given time. With 64% of respondents remaining satisfied with the Aquino administration, we take this as strong support for the straight and narrow path that we have consistently pursued," pahayag ni Valte. — FRJ, GMA News