GMA News Online
NewsTV
»
Sports Pilipinas

Sports Pilipinas

Peñalosa boxing family sa 'Sports Pilipinas'

April 28, 2012 11:07am
SPORTS PILIPINAS
Airing date: April 29, 2012
New timeslot 11:15 AM

Peñalosa Boxing Family 

 
Kung meron mang listahan ng pamilyang mahilig sa boxing, nangunguna na diyan ang pamilya Peñalosa. Kilalanin ang 2-division world champion na si Dodie Boy Peñalosa, at ang kanyang dalawang anak si Dodie Boy JR at Dave Peñalosa para malaman natin paano nila napapanatiling buhay ang tradisyon ng kampeonato sa boksing sa kanilang pamilya. 

One on One: Manny Pacquiao

Nakapanayam ni Chino Trinidad ang pambansang kamao sa Burnham Park sa Baguio City, kung saan ibinahagi ni Pacman ang tungkol sa kanyang bagong debosyon sa relihiyon at kung paano ito nakakaapekto sa kanyang training, galling sa boksing at personal na buhay.

Pag-eensayo sa Baguio

Paano nga ba mag-ensayo ang isang Manny Pacquiao? Sumama ang Sports Pilipinas sa pound for pound king sa kanyang araw araw na workout routine sa Baguio kasama ang Team Pacquiao. Masasaksihan natin ang pagtakbo, sparring at Bible reading ng isang world class na atletang tulad ni Manny. 

The North Face 100

Sa mataas na lupain ng Baguio City din isinagawa ang taunang The North Face 100 All Terrain Marathon. Gaya ng inaasahan, matinding hamon ito sa mga baguhan at maging sa mga beteranong runner. Kung ‘di ka nakasali, tumutok na dahil ihahatid ng Sports Pilipinas ang lahat ng kapanapanabik na mga tagpo.



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus