ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rajo Laurel may sorpresang damit para kay Jessica Sanchez


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Matapos ipagmalaki ni supermodel Tyra Banks ang gown na gawa niya, susunod na proyekto ni Rajo Laurel ang bihisan si Jessica Sanchez, ang Pinay na contestant sa Season 11 ng reality talent show na American Idol.   Sinuot ni Tyra ang Rajo Laurel gown sa pampitong episode ng kasalukuyang season o Cycle 18 ng America’s Next Top Model, kung saan producer ang kanyang pinsang si Michael Carandang.   Nakasama si Jessica sa top 5 finalists sa AI at upang ipadama sa kanya ang personal na paghanga at suporta mula sa mga Pinoy fans, tutungo si Rajo sa Los Angeles, California.   “I think she’s an amazing singer. I’m a fan,” wika ni Rajo.  

Balak ni Rajo na bihisan si Jessica upang makatulong na patingkarin ang kanyang audience impact kapag sumabak na siya sa kantahan sa AI.   “Mayro'n akong dala na baon para sa kanya. Ayon, abangan nalang natin. Sana masuot niya.”   Nais ng batikang fashion designer ang madamitan si Jessica.    “Kung madamitan ko siya, siyempre tuwang-tuwa ako. But it’s a personal quest.” — Mac Macapendeg/ELR, GMA News