ADVERTISEMENT
Filtered By: Pinoyabroad
Pinoy Abroad

Kwentong Kapuso: Alaala ng kabataan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi ko ikinakahiyang anak ako ng magsasaka Hindi ko ikinakahiyang sa bukid ako nakatira Palarua'y malawak na pilapil Kubong  yari sa pawid, dingding  ay sawali. Tambak ng dayami malimit na gulungan Pag dating ng hapon kati na ang buong katawan Mag pantal man  buong katawan,  Ngiti  sa mukha'y hindi mapapantayan.   Pag soga ng kalabaw sa umaga Pag pastol man sa hapon ng baka Bakit ngayon kung gunitain ang saya Ala ala ng kabataan napakaligaya.   Habulan taya pag gumabi na Patintero sa liwanag ng buwan Sa isang tabi'y nag sisiksikan Kuwentuhan ng mga katatakutan.   Pag ligo sa sapa o ilog pag bakasyon Pag tulog di magawa sa hapon Dahil sa maghapong paglilimayon Kahit may palo sa dapit hapon   Pagpapalipad ng saranggola nila kuya Pag akyat sa puno at mga sanga Pag gamas ng damo sa bukirin Pati na pag  hulip ng palayan.   Pag ligo sa ulan kung tag ulan Pag lalaro ng bangka- bangkaan Pag gawa ng kanal sa tabi ng bahay Pag huli ng tutubi sa daan.   Hay, kay sarap gunitain Mga gawain noong kabataan Puro ala ala na lamang Kay tamis balik-balikan.   Katha ni Eden Velonza Singapore