ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
BB Gandanghari, no comment ukol sa isyu ng sex change
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Bumalik na sa Pilipinas si BB Gandanghari pagkatapos niyang manirahan ng dalawang taon sa Amerika para magtrabaho bilang isang modelo.
Â
At ayon sa ulat ni Aubrey Carampel sa Chika Minute ng 24 Oras nitong Lunes, agad na pinukol si BB ng mga katanungan tungkol sa umano'y pagpapa-sex change niya sa Amerika. âAs much as I want to comment, I donât want to comment. Kasi talaga itâs really very personal to me. So alam mo iyon, yun lang, so sana iwan niyo na sa akin iyon, â ang kanyang naging tugon nang tanungin siya ukol sa isyu sa naganap na Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation (GMMSF) noong Linggo.
Â
Gayunpaman, nalulungkot naman si BB nang malaman niyang mayroon pa ring hindi tanggap ang tungkol sa kanyang sexual orientation tulad ng kanyang kapatid na si Robin Padilla.
Â
Â
Ayon pa kay BB, âAs much as it pains me to know na may mga taong malalapit sa iyo na may mga reservations about you... about sa pagkatao mo, pinagpapasa Diyos ko na lang iyon and maybe one day, everything will be okay." Â
Natutuwa naman si BB na buong puso siyang tinanggap ng kanyang inang si Eva Cariño at ng anak ni Robin Padilla na si Kylie.
Â
Hinihiingian daw ni Kylie ng fashion tips si BB.
Â
Nang tanungin naman si BB kung humihingi ng payo ang pamangking aktres (Kylie) tungkol sa usapin ng pag-ibig, ito ang naging sagot ni BB:Â âAlam mo hindi pa namin napag-uuspaan yan, hindi pa niya na-oopen sa akin actually but of course I know."
Â
At nang tanungin naman si BB tungkol sa kanyang love life, ito naman ang kanyang naging sagot:Â âSiguro darating iyon. Of course I meet people. Especially in the US, I meet people. May mga pagkakataong lumalabas ka rin, pero wala pang seryoso." â Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular