ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
DOLE: Mga manggagawa sa pribadong sektor sa CALABARZON, makatatanggap ng P18 wage hike
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Makatatanggap ng dagdag P18 sa kanilang minimum wage ang mga manggagawa sa pribadong sektor sa Region IV-A simula Mayo 15, inihayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz sa bisperas ng Labor Day.
Ayon kay Baldoz, nakasaad din sa bagong wage order ang pagbibigay ng productivity allowance na P12.50 para sa mga manggagawa sa rehiyon na nakatatanggap ng mas malaki sa minimum na P255 bawat araw.
“The wage adjustment is in keeping with the policy of uplifting the standards of living of workers to the level of a set floor wage—a wage level that takes into account the region’s poverty threshold, average wages, and related socio-economic parameters,” ayon sa kanyang talumpati na nakapaskil sa website ng DOLE nitong Lunes.
Samantala, ayon naman kay DOLE Region IV-A director Alex Avila, sakop sa bagong wage order ang lahat ng mga manggagawa ng pribadong sektor, kabilang na ang mga manggagawa ng legitimate contractors o subcontractors na nakatalaga sa mga "user enterprise."
Dagdag niya, nakahanda na ang opisina ng DOLE sa rehiyon upang magbigay ng teknikal na suporta sa mga kumpanya tungkol sa wage hike.
Base sa pinakahuling datos ng gobyerno, ikatlo ang Region IV-A mula sa buong PIlipinas na nakatatanggap ng pinakamataas na average na sahod. Nananatili namang nangunguna pa rin ang Metro Manila na nakatatanggap ng pinakamalaking sweldo sa buong bansa, habang ang mga nasa Eastern Visayas ay nakatatanggap naman ng pinakamababang kompensasyon. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular