ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bakanteng poultry farm sa Cebu, natupok
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sinasabing problema sa linya ng kuryente ang dahilan ng pagkakasunog ng isang bakanteng poultry farm sa Barangay Tayud, Concolacion, Cebu. Sa ulat ng GMA News Balita Pilipinas Ngayon, sinabi ni Julito Mila, caretaker ng poultry, na nagulat na lamang siya nang marinig na kumakahol ang aso nitong Martes ng madaling-araw. “Nagsimula yung apoy malapit sa pinto. Nagtaka ako kasi panay ang tahol ng aso. Nang silipin ko, umaapoy na kaya nagmadali akong pumunta sa bodega," ayon kay Mila. Kaagad namang naapula ang apoy kaya hindi na nadamay pa ang katabing negosyo. Ayon sa awtoridad, posibleng problema sa linya ng kuryente ang dahilan ng sunog. Inaalam pa ang halaga ng pinsala sa nangyaring sunog. - FRJ/KG, GMA News
More Videos
Most Popular