Pep.ph
GMA News Online
Showbiz

John Lapus disappointed with Miriam Quiambao over anti-gay remarks

May 2, 2012 3:17pm

Sunud-sunod ang magagandang pangyayari sa career ng comedian-TV host na si John “Sweet" Lapus.

Pagkatapos matupad ang wish niyang mag-hit ang pelikulang Moron 5 and The Crying Lady, pinarangalan naman si Sweet ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI) sa ikalawang magkasunod na taon bilang Comedy Actor of the Year.

Noong Linggo, April 29, ay tinanggap nang personal ni Sweet ang kanyang tropeyo sa 43rd Box-Office Entertainment Awards.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sweet sa Facebook ay inihayag niya ang kanyang katuwaan sa nakuha niyang parangal.

Aniya, “Nakaka-touched at nakaka-flatter.

“Twice in a row ako itinanghal ng Guillermo Mendoza Memorial Awards na Best Comedy Actor.

“Last year for Here ComesThe Bride and this year for Temptation Island (GMA Films/Regal) and I Won't Last A Day (Star Cinema/Viva).

“I'll be forever grateful sa kanila.

“Ang sarap ng pakiramdam ang maparangalan ka sa isang bagay na pinaghirapan mo.

“Mabuhay ang GMMSFI!"

Bukod sa GMMSFI, nanalo na rin si Sweet ng Best Comedy Actor for TV sa Golden Screen Awards noong isang taon para sa Show Me Da Manny.

SOLO MOVIE? Naikuwento ni Sweet na kung maghi-hit daw ang Moron 5 and The Crying Lady, malaki ang posibilidad na masundan na ito ng solo movie niyang talaga.

Ito ang naging tugon ni Sweet noong press conference ng naturang pelikula sa tanong ng entertainment press kung kailan kaya siya magkakaroon ng solo movie, ‘tulad ng mga nagagawa ni Vice Ganda.

Posible na kayang solo movie na ang kasunod pagkatapos ng Moron 5 and The Crying Lady?

Ayon kay Sweet, “I'll have a meeting with Boss Vic this month for my next movie with Viva... Yes, ako na ang title role.

“They will present to me the concept. I'm so excited."

Paano ang Regal Entertainment? Hindi ba’t si Mother Lily Monteverde ang isa sa unang nagsabi na ilu-launch siya sa isang solo movie?

Sabi ni Sweet, “I can do a movie with Regal anytime, basta hindi bida.

“Yung contract ko kasi sa Viva, dapat dalawang magkasunod na bida ako.

“So, nauna na ang Moron 5 and The Crying Lady."

GAY COMEDIANS. Dahil sa pagtangkilik ng mga manonood sa mga pelikulang pinagbibidahan ng gays, masasabi niya ba ngayon na sa panahong ito, tanggap na silang mga komedyanteng gay na bida na rin at hindi na lang suporta sa bida?

Sabi ni Sweet, “I'm so happy na dahil sa mga Filipino moviegoers, e, may karapatan na ngayong magbida ang mga bakla ‘tulad namin ni Vice. It’s about time.

“Yun lang naman ang hinihingi namin—equal opportunity. At ‘eto na nga ‘yon."

NEW SOAP. Hindi man natuloy si Sweet sa dapat ay pagsasamahan nilang muli ni Marian Rivera na sitcom, ang Tweets For My Sweet, malapit naman na siyang mapanood gabi-gabi sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Makapiling Kang Muli, na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez.

Excited si Sweet sa bagong serye kunsaan kinailangan pa niyang mag-aral mangabayo dahil ‘tulad ni Richard ay isa rin siyang ranchero dito.

Kuwento ni Sweet, “Nag-taping na ako ng Makapiling Kang Muli.

“Ang ganda ng location namin sa Calatagan, Batangas. Rancho ng mga Ayala-Zobel.

“Masaya ang cast—Tita Gloria Romero, Tito Robert Arevalo, Tita Rio Locsin, Carla Abellana, at Chard.

“Grabe, first soap ko na cowboy ako!

“I like my role. May puso at may pinagdadaanan yung character.

“Mentor ako no’ng character ni Chard hanggang sa magkaroon kami ng something. Exciting!"

MIRIAM and HOMOSEXUALITY. Hindi na rin pinalampas ng PEP ang pagkakataon upang tanungin si Sweet ng kanyang opinyon tungkol sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Miriam Quiambao.

Nagalit kasi ang ilang miyembro ng LGBT (Lesbians, Gays, Bisexuals Transgenders) sa naging pahayag ni Miriam tungkol sa homosexuality: “Homosexuality is not a sin but it is a lie from the devil."

Pero ano ang masasabi ni Sweet tungkol dito?

Aniya, “Na-disappoint ako kay Miriam, at the same time, nalungkot.

“Nakalimutan yata ni Miriam na gay icon sya. Malaki ang paghanga ng mga bakla sa kanya.

“So for her to say na ‘lie kami from the devil,’ e, nakaka-disappoint.

“Nalungkot naman ako when I found out from our common friends na medyo hardcore na daw na Born-Again si Miriam… wala namang masama do’n, okay lang ‘yon, as long as wala kang dyina-judge na tao."

Pero humingi na ng paumanhin si Miriam sa mga na-offend sa kanyang nasabi sa Twitter. Sa susunod daw ay mas magiging sensitive na siya.

May mga tumanggap ng kanyang apology, pero meron din namang naninindigan sa pagkadisgusto nila sa kanyang naunang pahayag.

Ano naman ang reaksiyon dito ni Sweet?

“I accept her apology, pero isa lang ako. Hindi ako ang buong LGBT community.

“At I think, nag-apologize lang siya for the words that she used.

“So it means gano’n pa rin ang pananaw niya sa aming mga bakla."

Close ba sila ni Miriam?

“Pareho kaming lumaki sa Lagro, Novaliches. Nagkikita kami noon sa simbahan.

“Pareho kaming Thomasian. Pareho kaming beauty queen.

“Pero magkaiba yata kami ng pagkakaintindi sa Bible," tugon ni Sweet.

Bilang isang gay, payag din ba siya na ang mga transgenders ay maging kandidata sa Miss Universe?

Sagot ni Sweet, “I do not agree na isama ang mga transgender sa Miss U.

“I grew up watching the Miss Universe, admiring the different beauties of women all over the world.

“It’s a beauty contest for naturally-born women. Let us keep it that way.

“I would rather have a Gay Miss Universe pageant of our own in which transgenders could manifest their beauty and intelligence that is at par with naturally-born women." -- Rose Garcia, PEP
Go to comments



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus