ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

SC justices, nakasunod sa deadline sa pagpasa ng kanilang SALNs


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nakasunod sa deadline sa pagpasa ng kanilang Statement of Assets, Liabilities, at Net Worth (SALN) ang 15 mahistrado ng Korte Suprema, kabilang na si Chief Justice Renato Corona, ayon kay court spokesman Jose Midas Marquez noong Miyerkules. Pero, minabuti umano ng karamihan ng mga hukom na huwag nang ilabas sa publiko ang kanilang mga SALN. Ayon kay Marquez, hanggang hindi nababago ang existing court resolution na inihain noong 1989, hindi kinakailangang ilabas sa publiko ang kanilang SALNs. "Until and unless the court resolution is recalled, 'di puwedeng ilabas. That has been the policy of the court," giit niya. Dagdag pa niya, desisyon ng bawat hukom kung ilalabas nila ang kanyang SALNs sa publiko. "But they should be guided by the policy of the court. Individual justices who opt to disclose their SALNs, that's their own decision and it's up to the court to require them, perhaps, to explain if they do so," ayon kay Marquez. Sa kahilingan ng "Newsbreak" at "Kaya Natin Movement," inilabas nina Associate Justices Ma. Lourdes Sereno at Antonio Caprio ang kanilang mga SALN noong Enero. Paghain ni Corona ng SALN "The Chief Justice has filed his SALN. I called the clerk of court to check on it last April 30 and she said kumpleto na raw," kwento ni Marquez sa mga mamamahayag. Inamin naman ng tagapagsalita ng Korte Suprema na hindi niya alam kung kailan nagpasa ng SALN ang 15 mahistrado. Itinakda noong ika-30 ng Abril pinakahuling araw ng pag-file ng SALN. Nakasaad sa Section 17, Article XI ng 1987 Constitution na tungkulin ng mga opisyal at empleyado ng gobyerno na ipasa ang kanilang SALN sa kani-kanilang human resource management offices.  Samantala, sa clerk of court naman dapat ipapasa ng mga mahistrado ang kanilang SALN. Kabilang sa impeachment case na kinakaharap ni Corona ang umano'y ilang taon niyang pagkabigo sa pagdeklara ng pitong ari-arian sa kanyang SALN. Ipagpapatuloy ang impeachment trial sa Senado sa ika-7 ng Mayo, mapatos ang Congressional  break. Noong Enero, inilahad ni SC clerk of court Enriqueta Esguerra-Vidal ang kopya ng SALN ni Corona sa Senate impeachment court. Carpio, Sereno SALNs Sa kanyang information sheet, inilahad ni Justice Carpio na mayroon siyang P47,269,928 kabuuang assets at P75,000 kabuuang liabilities at mayroong net worth na P46,344,928 para sa taong 2010. Nakikita rin dito na nagmamay-ari si Carpio ng one-eight interest sa ari-arian ni Bernardo Carpio, one-seventh interest sa ari-arian ni Sol Carpio at seventh sa one-sixth interest sa ari-arian ni Lourdes Carpio. Samantala, may kabuuang asset na P17,996,810.82 at liabilities na P155,457.17 si Justice Sereno para sa taong 2009, at mayroong net worth na P17,841,353.65. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News