Looking for the 2013 Election Results in Aklan? ▶
Pinakamarami at kaunting kasalan sa Aklan
Alam niyo ba na sa buwan ng Mayo may pinakamaraming ikinasal na mag-irog sa lalawigan ng Aklan noong 2011. Batay ito sa talaan ng National Statistics Office (NSO).
Sa listahan ng NSO, umabot sa 2,890 ang ikinasal sa buong lalawigan ng Aklan noong 2011. Sa bilang na ito, pinakamarami ang naganap sa Kalibo (447 kasalan) at pinaka-kaunti naman sa munisipalidad ng Lezo (68 kasalan).
Paboritong buwan umano ng mga nagpapakasal sa Aklan ang Mayo (489 kasalan), at pinaka-kaunti naman noong Nobyembre (102).
Halos hindi naman nagkakalayo ang bilang ng mga ikinasal sa Simbahan at ikinasal sa Huwes.
Noong 2011, umabot sa 1,552 ang ikinasal sa Simbahan at 1,140 naman sa Huwes. Samantala, may 189 kasalan ang isinagawa sa iba pang religious rites. -- FRJimenez, GMA News

Top Stories
advertisement
Talk of the web
advertisement
advertisement