GMA News Online Ulat Filipino » Balitang Pinoy

JV Ejercito, ipinagtanggol ang kanyang ama kontra batikos ng obispo

May 6, 2012 6:08pm

Ipinagtanggol ni San Juan City Rep. Joseph Victor Ejercito ang kanyang ama at dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada nitong Linggo matapos ang batikos ukol sa umano'y kabiguan ng pamilya Estrada na mawaksi ang kahirapaan sa kanilang bayan.
 
Tinuring ni Ejercito ang naging pahayag ni Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo bilang “sweeping statement… made to prevent former President Estrada from running as mayor for the city of Manila.”
 
Naunang inihayag ni Pabillo sa Philippine Daily Inquirer na dapat munang masolusyunan ang kahirapan sa San Juan City bago magbalak na tumakbo bilang mayor ng Manila ang dating pangulo.
 
Nanungkulan nang 16 taon si Estrada bilang San Juan mayor. Kasalakuyang mayor ng bayan ang ina ni Ejercito na si Guia Gomez.
 
“Sweeping and unfounded statements against a certain program of local government should not come, especially from a Catholic leader,” inihayag ni Ejercito nitong Linggo.
 
“May I also remind the good bishop that the effort to uplift the living condition of poor families is a long and painful process that can be achieved with the support of the whole community who want to improve their lives with the help of God and Church people,” dagdag niya.
 
Ayon sa mambabatas, dapat munang sinuri ng mga opisyal ng Katolikong Simbahan ang kanilang datos sa naganap sa San Juan City bago batikusin ang kanilangh pamilya. Giit niya, minatili nila ang tatlong-porsyentong poverty incidence ayon sa pagtaya ng gobyerno.

Kasalakuyang pinag-iisipan pa ni Estrada kung tatakbo siya para mayor ng Manila sa halalan sa susunod na taon.



Para maging qualified na kandidato para mayor doon, kailangan niyang lumipat sa kanyang bagong tirahan sa Manila upang matugunan ang isang-taong residency requirement na nakatakda sa batas. Amanda Fernandez/ELR, GMA News



We welcome healthy discussions and friendly debate! Please click Flag to alert us of a comment that may be abusive or threatening. Read our full comment policy here.
Comments Powered by Disqus
advertisement

Talk of the web

advertisement
advertisement